You, by the light is the greatest find.
Kumpleto ang Showtime family.
Everything’s ready.
Bumukas na yung pinto ng simbahan cue para pumasok isa isa ang entourage.
I’m not a fan of weddings dati, siguro dahil hindi naman pwede sakin to. Pero lahat naman pwedeng magbago di ba?
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon, seeing her walk down that aisle. Napanganga nalang ako, I felt Billy’s hand on my shoulders. Tiningnan ko si Billy na ngiting ngiti na sakin, napailing naman ako at binalik yung tingin ko sa babaeng naglalakad sa aisle ngayon.
She’s effortlessly gorgeous.
Kung sa Showtime nga maglakad lang siya, napapatitig ako. Ngayon pa kaya?
Her dress shows her curves perfectly.
She smiled halfway that aisle ni hindi ko nga napansin si Anne na naunang
lumakad sa harapan namin.
Billy: Ganda ni Anne brad.
Sabi ni Billy nung dumaan sa harap namin si Anne at si Vhong na kasali sa entourage
Vhong: Next time, kasal na namin to.
Bulong samin ni Vhong noong dumaan sila sa harap namin, natawa nalang kami ni Billy sa kahopiaan ni Vhong.
Inayos ko yung coat na suot ko ngayon, never in my dreams ko inimagine na mapapagsuot nila ko nang ganito. Kanina pa nga ako binubully nitong nasa likod ko.
Billy: Brad matunaw baka hindi makarating dito yan.
Napailing nalang ako, teka, bakit ba ang bilis bilis nang tibok nitong puso ko, pakiramdam ko tuloy…
Billy: Perfect na yung pagmoment mo dyan, Vice. Kung hindi lang sana si Minion yung escort niya ngayon.
Feeling ko tuloy kasal namin ni Karylle…. Napabuntong hininga ko sa sinabi ni Billy.
Oo nga pala, kasama niya ngayon boyfriend niya. Eto namang si Jugs akala ko ba Vice President siya nang ViceRylle. Dapat ako yung escort ni Karylle e.
Pero mas close nga pala sila nitong si Yael. Karylle gave us a smile noong dumaan sila ni Yael sa harap namin ni Billy.
Billy: Okay ka lang bestie?
Vice: Oo naman no, problema mo? HahahaPero deep inside, I know what Billy meant. May paninikip ng dibdib na naganap. May kirot. Kahit alam kong wala dapat kasi boyfriend ni Karylle si Yael. Kahit alam kong wala dapat kasi bakla ako. Wala dapat kasi kaibigan ko lang naman si Karylle.