#25: Not A Bad Thing | Part 2

9.9K 185 15
                                    

So don't act like it's a bad thing to fall in love with me 'cause you might look around and find your dreams come true with me.

"Uy ano yan?" tanong ni Vice kay Vhong na kasulukuyang nakikigulo sa bulletin board. "Palitan na ng shifts. Night shift ako." sabi ni Vhong. Sinimulan naman ni Vice hanapin ang pangalan niya. Una muna niyang nakita ang pangalan ni Karylle. Pareho sila ng shift ni Vhong. Abot abot naman ang dasal niya na sana ay pareho pa din sila ng shift para kahit papaano ay makita niya si Karylle. "Shet." sabi niya ng makita ang pangalan niya. "Badtrip naman ganoon pa din shift ko. Pangumaga pa din"

"Ako night shift. Ayoko talaga ng night shift." biglang hirit ni Coleen na nasa likod nila ngayon. "Oh ede palit tayo!" masiglang suggestion ni Vice. "Pwede ba yon?" tanong ni Vhong. "Eh, malakas naman to kay Billy." akbay pa ni Vice kay Coleen. "Bakit ba desidido ka magpanggabi?" tanong ni Coleen na natatawa dahil parang bata si Vice. "Sayang kaya ung night differential."

"Ang sabihin mo brad, gusto mo lang akong kasama!" sabi ni Vhong kaya natawa na sila. Ngiting tagumpay naman si Vice at di na nagreact sa sinabi ni Vhong dahil mas kaunti ang ginagawa sa gabi bukod doon ay baka finally ay makausap na niya si Karylle. Gusto lang naman talaga niyang makita si Karylle kahit na sinabihan na siya nito na wag nang lumapit. 

- - -

Excited na pumasok si Vice. Binati naman ni Vice si Mang Yael na inaantay ang kapalitan niyang gwardya. Katulad ng dati, kapag napapaaga siya ay nagdadaan siya ng chapel. Pagpasok naman niya sa chapel automatic na scinan niya ang paligid pero wala si Karylle.Napansin niya yung bata na inattendan nila ni Karylle a few days ago. Medyo malakas na ito at mukhang paalis na. Nginitian si Vice ng nanay ng bata at umalis na din. Naiwan si Vice at nagdasal siya ng tahimik saka lumabas nagtaka naman siya dahil dapat ay naroon din si Karylle.

Kumpara sa day shift, wala masyadong tao sa ospital bukod sa ilang bantay na naiwan kasama ng pasyente. Ang task lang nila ni Vhong ay magrounds at make sure na nakainom ng gamot ang mga pasyente. Kakapatapos niya lang magikot sa mga rooms ng pasyente. Si Vhong naman ay abalang nakikipagtext sa girlfriend niya. Samantalang si Vice, unti unti ng hinihila ng antok dahil nagaadjust pa ang katawan niya sa night shift.

Nagising si Vice sa pagyugyog ni Vhong. "Vice, si Dr. Ernie huy." rinig niya. Nagising naman ang diwa ni Vice at kunwaring nagayos ng mga papel. Nagulat naman siya ng may kape sa table nila. Pero hindi muna niya pinansin at binati si Dr. Ernie. Pagkadaan nito ay napahawak siya sa dibdib. "Muntikan na yon. Thanks brad." sabi ni Vice kay Vhong.  "Wala yon ano ka ba. Ganyan din ako dati. Sa CR pa nga kami noon umiidlip." sabi naman ni Vhong at tinap pa sa balikat si Vice.

"Sayo ba tong kape?" tanong uli ni Vice. Umiling naman si Vhong. "Kinuha ko kasi yung test results sa lab kanina tas pag balik ko may ganyan na. Akala ko binili mo." Ngayon lang naman napansin ni Vice na may note pa ang kape. Bawal matulog!!:)

"Ano yan?" tanong ni Vhong. "May note yung kape." sabi ni Vice Natawa naman si Vhong. "Taraaaay, may admirer" sabi ni Vhong. Napailing naman si Vice then tumingin still thinking kung sino 'yung nagiwan ng kape.

Spent all your time and your money just to find out that my love was free. So don't act like it's a bad thing to fall in love with me. It's not a bad thing to fall in love with me.

Ganoon pa rin ang sitwasyon ni Vice at ni Karylle. Iwasan. 3 buwan na din si Vice sa ospital. Minsan ipapakiusap pa ni Vice kay Coleen na baka pwedeng silipin kung ano ang day off ni Karylle o kung panggabi ba ito o pangumaga. Sa mga times naman na hindi sila nagkakasabay ng shift ay nag-OT siya na minsan ay umaabot sa 2 oras para lang makita si Karylle na papasok para sa susunod na shift. Though, napapansin ni Karylle ang ginagawa ni Vice hindi naman niya ito kinakausap tungkol dito, hinahayaan niya lang.

ViceRylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon