[Tuloy ang paghopia! Sobrang naging busy lang talaga. Hehe, wari po walang nangyaring kasal. Ang restricted na kasi kung icoconsider ko lahat ng changes, eh since magaling naman tayong humopia kahit sa wattpad man lang di ba? :)) ]
Bucket full of tears. Baby, know I'm here, I'm here waiting.
6 hours.
"Promise. Everything's going to be okay." I heard someone speaking sa tabi ko. I've been trying to talk but I can't. I can't feel. Hindi ko maigalaw ung katawan ko. Hindi ako makadilat. Namamanhid yung legs ko. Hindi ako makakilos. Nasaan ba ko? Si Anne yung boses, I am sure. Tinry ko ulit i-open ung eyes ko but I failed. Still black.
What the heck is happening? Bakit umiiyak si Anne? Si Anne nga ba 'to?
"K, gising na." she said, still crying. Anne gising ako! I shouted but there are no words na lumabas sa bibig ko. Joke ba 'to?
"Anne!" sigaw nung isa. I heard the door opened at parang ang dami pang pumasok. "Anne, si Vice!"
"What happened?" Anne asked.
"He's awake now."
Then, I heard them leave. Si Vice? Nagising na si Vice? Natutulog din si Vice?
Close your precious eyes and just realize, I'm still fighting.
8 hours.
Narinig kong bumukas yung pinto. Then, footsteps papalapit sakin. Pero wala pa din, di ko matingnan kung sino yung dumating, kung sino yung papalapit. Hindi ko pa din magalaw ung katawan ko. "She could hear us right now but she can't respond. We need to do further tests para mapagaralan yung condition ni Ms. Tatlonghari. Now, if wala na po kayong tanong Dr. Modesto, Ms. Padilla, mauna na po ako."
"Karylle, nak, gising na." I heard my dad say. He held my hand and God knows how much I want to hug him. Natatakot ako sa nangyayari, natatakot ako, hindi ko alam. Nanaginip lang ba ko? Naramdaman ko naman si Mama sa kabilang side nung higaan ko. She's crying. Wala namang masakit ha? I could only feel their touch sa kamay ko. May sakit ba ko? Pero nasa Showtime ako kanina. Then biglang may kumatok.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nang dad ko in a deep and serious voice. They let go of my hand. I tried to take their hand pabalik. Wag niyo ko iwan. I wanted to say but I can't.
"Gusto lang daw po niyang makita si K." I heard someone said, Billy! Yes, it's Billy. Pero sino yung gusto ako makita?
"Di mo ba alam na ikaw may dahilan kung bakit comatose yung anak ko?" my dad said. Comatose? ako? Sinong may kasalanan? Sino ba yon?
"Aksidente po ang lahat. Yung truck ang kumabila ng lane sa amin. Iniwas ko po yung sasakyan pero tumama pa din po sa poste." paliwanag nung gustong makakita sakin. Of course, it was him. Naalala ko na. Aalis nga dapat kami. Magmemerienda. Pero anong truck?
"At kailan ka pa niya naging driver? Bakit ka niya kasama? Marunong ka bang magdrive eh, bakla ka? Kung hinayaan mo nalang sana siyang umuwi ede sana wala siya diyan ngayon."
"Modesto, tama na." awat ni Mama. "Halika na hayaan mo muna yung mga kaibigan ni Karylle. Anne, ikaw na muna bahala kay K." Then, silence hanggang nagsalita ulit si Vice, "Ms. Zsazsa, hindi ko po talaga sinasadya."
"Bukas na natin pagusapan, Vice. Let's just pray for K."
For you to be with me and sit under this tree, we can watch the sunrise.
8 1/2 hours.
Hawak niya yung kamay ko. Madami sila sa kwarto ko ngayon nararamdaman ko kahit tahimik, alam ko. May mga sumisinghot, naririnig ko may nagdadasal. Pero alam ko si Vice yung may hawak ng kamay ko. For the first time simula nung magising ako sa sitwasyon na 'to, kumalma yung utak ko. Siguro kasi hawak niya yung kamay ko.