I can't blame you if you turn away from me, like I've done you. I can only prove the things I say with time, please be mine.
September 2017
"Shit." He said habang kinakapa ang cellphone niya sa magulo niyang kama para icheck kung anong oras na. He jumped off the bed when he saw na it was already 11:45.
There were missed calls and a few text messages pero hindi niya muna ito pinansin at nagpunta na siya sa banyo to shower. Sobrang wala siya sa mood to go to work today, wala naman siya sa mood for almost 2 months now. Simula nung magmove out siya sa bahay nila, wala na siyang gana to do anything but drink para makalimot.
After his quick shower, he grabbed his phone at chineck if may importante bang nagtext sakanya overnight. Nagulat naman siya ng may mga missed calls from K's sister, Coco. Meron din from Billy and Vhong pero hindi na bago 'yon.
From: Billy
Huwag ka ng pumasok bukas, pumunta kang St. Luke's.... kailangan ka ng anak mo.
Kinabahan naman si Vice and checked kung anong oras nagtext ng ganoon si Billy. Kagabi pa pala yung text pero baka lasing na siya noon kaya naman hindi na niya nabasa ang text.
He decided na tawagan si Billy and Vhong pero napansin niyang it's almost 12:35. Baka nakalive na sila ngayon kaya walang sumasagot sa tawag niya. Kahit na alam niyang aawayin siya, tinawagan na niya si Anne to know what's happening baka kasi hawak nito ang phone nito o di kaya ay late din.
"Oh, himala!" sagot sakanya nito. "Anne, anong nangyari?" he asked trying his best na iignore ang talak ni Anne. "May sakit 'yung anak ni Karylle." she said trying to make him more guilty. "Oh, and to make things worse, hinahanap niya yung Papa niya habang kinoconfine namin siya kagabi."
"Anong sakit?" tanong lang ni Vice na sobrang nagaalala. "Nagkadengue, pero kaya na ni Karylle yung anak niya. Baka makaabala pa sila sayo." sabi ulit ni Anne who sounded so angry at the moment.
"Nasa ospital pa ba?" Vice asked. Sinasabunutan niya ang sarili with his other hand. "Hindi naman tumataas yung platelets niya eh." Anne said.
"Pwede mo ba kong samahan?" he asked, swallowing his pride. Anne smirked on the other end of the line. She was about to say no in the rudest way she could think of pero nagsalita si Vice. "I know, may mga nasabi ako, nagawa, na ikinagalit mo. Pero Anne, anak ko yun. Hindi ko naman kayang pumunta ng magisa. Nasa showtime ka ba?"
Nagisip muna si Anne bago nagsalita. She so wanted to get even with what Vice said the last time na magusap sila pero he sounded so helpless and as his friend, she wanted to help. She also knew kung gaano kamiss ng inaanak niya si Vice. "Wala pa. On my way but I am almost there." she said, finally calming down.
"Daanan kita sa studio? Pagpapaalam na din kita." Vice said and stood para makapagready na din. "Sige." sabi lang ni Anne and sighed.
- - -
"Room 214" Anne said pushing Vice papasok ng hospital but he wouldn't go unless mauna si Anne to check kung sino ang kasama ni Karylle sa loob. "Anne naman." Vice said and faced his friend. "Fine, sabay tayo pero ikaw kumatok." sabi ni Vice as they were standing sa harap ng pintuan ng room ni Junjun. Magsasalita pa sana si Anne ng bumukas bigla ang pinto.
Napalunok si Vice with the sight ng kanyang father in law na masama ang tingin sakanya. Yumuko nalang siya and siniko si Anne. Nakita ni Anne si Karylle na nasa likod ni Dr. M na mukhang nagulat din sa nakita sa other side ng pintuan nila. "Anong kailangan niyo?" masungit na tanong ng Papa ni Karylle. "Good afternoon po." bati ni Anne. Vice kept his head na nakayuko dahil sa kaba. "Kapal din talaga nitong asawa mo." Dr. M said turning to Karylle.