Do you remember how it felt like? I still remember how the days that end, the weeks and months.. we were together for so long. I haven’t noticed, that we’re falling down too fast. If I could take it all back, I still want you by my side. If only I could bring you back to me... If I could go back in time promise we won’t say goodbye. I never really moved on, no, not in time…
"Vice." bati sakin ni Vhong."Kuys, musta ka na? Buti nalang ikakasal si Karylle, kung hindi 'di ka na namin ata makikita." I said. Ngumiti lang siya sakin at humawak sa batok. Hanga ako sa taong 'to. Baka kung sakin nangyari 'to. Baka isuko ko nalang lahat.
"Buti nalang talaga ikakasal si Karylle." sabi niya at tumingin sakin meaningfully. "Kamusta ka Vice?"
"Ako ba yung nabugbog? Bakit ako yung kinakamusta mo?" sabi ko. Minsan talaga ang lalim kausap nito, eh.
"Eto ba?" turo niya sa mga bakas ng sakal sakanya na hanggang ngayon ay evident sa leeg niya. "Yung mga sugat ko namaga, kikirot, magmamarka pero mawawala din yan... sa totoo lang eto." sabay lagay ng kamay niya sa dibdib niya. "Pero ung trauma at ung guilt nang nagawa ko kay Tanya, yun ung hindi mawawala."
Tumango nalang ako. Ngayon na nga lang kami nagkita ni Vhong, magiiyakan pa ba kami? Mag-two months na simula nung nangyari sakanya yung incident na 'yon. "Ikaw kamusta yung bugbog mo?"
Napakunot naman ako ng noo. Joke ba 'yon? "Ha?" yun lang ung tangi kong nasabi.
"Sabi ko naman sainyo Vice, nanunuod ako Showtime lagi no! Kayo kaya therapy ko. Akala mo di ko napapansin?"
"Sige nga, sayaw ka One Minute Dance craze."
Tinulak naman niya ko ng kaunti, natatawa. Ang sarap patawanin nong kaibigan namin to ngayon.
"Aray Vhong! Wag mo ko itulak, sasampahan kita ng kaso... frustrated murder..." natawa siya ulit na napapailing.
"Alam mo 'yung nakakatawa Vice?"
" 'Yung itsura niya sa interview? Nakakainis no Vhong, di marunong umiyak..."
"Hanggang kailan mo lolokohin sarili mo na hindi masakit?"
"PInagsasabi mo Vhong, kailan ka huling nagpacheck up?"
"Akala mo ba walang nakakapansin? Vice, di mo siya matingnan! Nagulat nga ako nung sinabi ni Billy na sabay kayo pupunta ngayon e."
"Kaibigan ko rin si Karylle no. Saka may invitation ako wag kang ano."
"Talaga hindi masakit?"
"Ang alin ba!?"
"Yung magpanggap na masaya ka para sa taong mahal mo? Yung wala kang magawa kung hindi tanggapin na ganito yung nangyayari... yung ang lapit lapit niya sayo pero ang layo layo din. Naging masaya ka na ba na hindi mo siya pinapansin sa Showtime? At naging mas malala pa nung paguwi mo galing concert mo sa America? Bakit Vice?"
"Vhong.."
"Wag mo ng ideny. Una, kilala kita. Pangalawa, nabugbog ako, hindi ako nabulag at Vice, eto na tayo oh. In about half an hour, she'll walk down that aisle."
"And out of my life."
"Bakit di mo inamin sakanya?"
" Para saan pa Vhong?"