There is no fear now. Let go and just be free. I will love you unconditionally.
"Hoy kanina ka pa parang natatae dyan. May kailangan ka ba?" Buern asked ng mapansin na kanina pa paikot ikot si Vice sa kanila ni Archie na may ginagawa sa computer.
"Ah ano kasi..." sabi ni Vice na hindi malaman pano sisimulan ang gusto niyang itanong. "Di ba ngayon yung deadline ng invitation nila Ms. Curtis?" Tumango lang si Archie dahil sobrang busy nila sa pagedit ng mga pictures para sa avp ng kasal nila Anne at Vhong.
"Magmemeet kayo?" tanong ni Vice. "Hindi. Pero dedeliver ko sa condo nila yung invitation later." sagot ni Buern. "Ayy oo nga pala. May work daw si Anne pero nandoon naman daw pala si Karylle kaya sakanya mo nalang daw iwan." paalala ni Archie kay Buern.
"uhm- since di ako techie at di ko naman kayo matutulungan diyan, gusto niyo ako nalang magdrop off nung.. pero kung gusto niyo lang naman mga te..." sabi ni Vice trying to look innocent. Nagkatinginan naman si Archie at Buern.
"Yun naman pala..." sabi ni Archie na parang manunukso pa. Siniko nalang siya ni Buern para tumigil. "Sige meme, dyan sa may left na table yung nakapaperbag ng blue."
Hinanap naman ni Vice nang hindi pa din tumitingin sa mga kaibigan dahil baka tuksuhin siya ng mga ito. "Eto ba?" tanong ni Vice.
"Oo yan. Nakasulat na din sa papel dyan yung address ni Anning." sabi ni Buern. Tumango nalang si Vice and started walking palabas ng office nila. "Enjoy!!!" sigaw ni Archie kay Vice pero parang di naman sila narinig kaya nagtawanan nalang sila ni Buern.
"Kaloka! Boom T boom si bakla." comment pa ulit ni Archie.
---
"Teka lang!!" sigaw ni Karylle ng marinig niya ang nagdoorbell. Inayos niya ang buhok niya and lazily got up from the bed. Hindi pa din bumababa ang lagnat niya pero pinilit niyang tumayo dahil binilin ni Anne sakanya na dadaan daw si Buern at may iiwanan sakanya.
On her way papunta sa pinto, she felt dizzy kaya natabig niya ang baso na nakalagay sa may side table sa sala. "Okay ka lang?" tanong ng boses sa labas. She decided na pagbuksan muna si Buern before dealing sa paglinis ng kalat na nagawa niya.
"Uy." she greeted. "Ikaw pala, Vice."
"May iba ka pa bang inaantay?" tanong ni Vice. Karylle shook her head. "Sabi kasi ni Anne, si Buern ang darating."
"Ano nga pala yung nabasag kanina?" tanong ni Vice after niyang iabot kay Karylle ang paper bag. "Wala yon, nabagsak ko lang 'yung baso..." she said at nagtake ng step back para mapapasok si Vice to show him 'yung nabasag na baso.
"You need help?" Vice asked nervously. Hindi niya alam kung bakit pero sa tuwing malapit si Karylle sakanya... parang bumabalik yung dati.
"Hindi wag na. Kaya ko na no." sabi ni Karylle pero bigla siyang nahilo kaya she stopped and ni-rub ang temples niya para hindi siya matumba. Vice saw her kaya he placed the back of his hand sa leeg ni Karylle. "May lagnat ka ba?"
"Oo eh. Kagabi pa 'to." sabi ni Karylle. "Magpahinga ka na ako na bahala sa kalat dito." Vice said tapos ay inalalayan si K papunta sa may sofa. Hindi na naman nakipagargue si Karylle kahit na nahihiya siya kay Vice dahil sobra talagang sama ng pakiramdam niya ngayon.
"Thanks, te." sabi ni Karylle at natawa sa sinabi niya. Natawa din naman si Vice dahil parang hindi yata siya sanay na tinawag siyang 'te ni Karylle. "Can I call you te?" tanong ni Karylle na nakahiga sa sofa ngayon trying to rest.
"Bahala ka." sabi lang ni Vice as he saw Karylle na nakapikit. "Uminom ka na ba gamot, te?"
Karylle giggled, still with her eyes closed. "Oo kaninang umaga."