Chapter 9

21 2 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon. I cried my heart out na para bang committed ako kay Zysk at pinagtaksilan. But my feelings are valid, diba? He's courting me. He took my first kiss, he said sweet nothings to me. O baka—nagpauto ako?

I was longing for his love,for his attention, and now na nandito na I took it as an advantage tapos ako din yong nasasaktan. Problema ko pa ngayon kung paano ko sya haharapin, kung paano ako aakto sa harap niya. Bakit nga ako pumayag na dito sya tumira?

Ginulo ko ang buhok ko at huminga ng malalim bago napagdesisyunang bumaba. I saw his back while his muscles are flexing everytime he moved. He's wearing a plain white shirt and a cargo shorts while eating. May kalaparan ang kaniyang likod siguro dahil sa pag wo-work out. How old is he again? 22?

Imbis na dumiretso sa hapag kung saan sya kumakain ay hinanap ko si Jacob. Ang isa ding 'yon hindi ko alam kung saan pumupunta. Kapag walang pasok hindi kami magkita dito sa condo kahit na hindi naman kalakihan itong condo ko. Nang hindi mahanap ang pinsan ay pinili ko na lang na umupo sa harap niya.

"Asan si Jacob?"

He shrugged his shoulders and continues eating his bread. Bakit parang siya pa 'tong galit? Inisang lagtok niya ang kaniyang kape at tumayo para linisin ang pinagkainan. Sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw ni Zysk patungong kitchen.

'Anong problema ng isang to?'

Bumuntong hininga ako at sinundan sya sa kusina. His muscles flexed everytime he moves.

Ano ba 'yan,Erin stop complimenting this guy! He's a cheater! A cheater!

Parang sirang plaka sa utak ko ang pag alala  ng nangyari kagabi. He was kissing Kylisle—or the other way around. Siguro si Kylisle ang bumalik sa kaniya but still—he's courting me. My anger is valid.

"Kailan ka aalis." Basag ko sa katahimikan na namagitan sa aming dalawa. Tiningnan nya ako at bumalik ang atensyon sa hinuhugasang pinagkainan.

"Why? Do you have any plan of letting your other man stay in your unit?" He said with accusations.

"Excuse me?"

Tinuyo nya ang basang kamay at itinuon ang buong atensyon sa akin. He's height towered me, his eyes shouts anger and jealousy, his jaw clenched.

"Sabay tayong pumunta don, pero nauna kang umuwi." Asik niya

"Can't I commute? Kaya kong umuwing mag-isa."

"Oh sure,Gracinni. Like how you dance with a stranger and being intimate with him in public? Oo,kaya mong umuwi mag-isa,yong pagsayaw nga nagawa mo umuwi pa kaya?"

Hindi ko mapigilang umigting ang aking panga. Ginagago ba ako nito? Sino sya para magsalita ng ganyan? If he's jealous with me dancing with a guy kamusta naman 'yong halikan session nila ni Kylisle? Sa harap ng buong barkada nila? A dinner and a show?

"And now you want me to leave your unit? I am your suitor—"

"You were my suitor, Zysk." I bit my lower lip, pinipilit kong pakalmahin ang sarili sa emosyon na nasa loob ng katawan ko. Masakit,kahit yon lang ang relationship namin I felt betrayed.

"You're a suitor and kissing someone right in my eyes nor even behind my back is unethical! Sana— sana tumigil ka muna sa panliligaw, because if you really want her— I'll give you to her."

Hindi ko mapigilang 'wag humikbi, paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang nangyari kagabi,yong hiyawan ng barkada nila,yong tuksuhan,yong satisfaction sa mga mata nila. Kitang-kita ko 'yon. They're rooting for them. Everyone in their department is rooting for them.

I looked at him, he's not even denying anything. Nakatayo lang s'ya sa harap ko,saying nothing,o kahit magpaliwanag. I'm waiting for him to say something. Na sana sabihin niya man lang na "Mali ka ng nakita" pero hindi. Wala syang ginawa,wala syang sinabi. He was there,standing right in front of me na para bang ang tanga ko sa parte na sabihin yon. Is my feeling invalid?

"Erin tara na!"

Napabalik ako sa reyalidad ng makita si Samanta sa harap ko.

It's been a week simula no'ng encounter ko with Zysk, hindi s'ya umalis ng unit ko,he stayed there kahit hindi kami nagpapansinan, ang awkward lang pag kaming dalawa ang natitira sa condo dahil ang daming ginagawa ni Jacob.

Kakatapos lang naming maglunch at pupunta kami sa Law Department para magsukat ng Lupa sa Surveying namin. Kinuha ko ang bag ko at tumayo na. Bumili muna kami ng bottled water and snacks dahil mainit sa labas. Pinusod ko ang buhok ko at umalis na kami ng canteen.

Magkakagrupo kaming tatlo at yong dalawa pa naming Myembro ay nauna na sa Law Department field para ayusin ang mga gamit namin.

'Pag dating don ay pinagtitinginan kami ng mga Law students. Hindi lang naman kami ang Engineering students na gagawa ng Survey dito nasa 6 na grupo kami kaya marami-rami ang mga materials na nakakalat sa field.

Nilagay ko sa ilalim ng puno ang bag ko at huminga ng malalim. Nasa territory ako ng mga Lawyer, pagak akong napatawa. Ano bang problema mo don, Erin? Ilang araw na kayong hindi nagpapansinan and obviously he'll only ignore you—again like how you always ignore him.

Nagsimula kami sa paggawa ng isang closed traverse, minsan pang nabuwal si Yong dahil hindi niya nakita yong lubid.

'Yong dalawang kagrupo namin na lalaki ang namahala sa pag-gawa ng mga traverse, si Yong naman sa pag check data at kami ni Sam ang nagc-compute. Mainit, at wala akong jacket o payong man lang. Pumapatak na ang pawis sa noo ko at sa likod.

"Dalawang closed traverse na lang ang kulang natin" sabi ni Chase.

"Pahinga muna kayo. Ako na muna tutuloy sa paglalagay ng measurements."

Tumango naman sila at naglakad papunta sa ilalim ng puno kung saan nandon ang mga bags namin. Kinuha ko ang straws at nagsimulang gumawa ng closed traverse. Next week pa naman ang pasahan ng Engineers Field Notebook pero next week din ang audition para sa Aces Hip-hop Group. Mauubos ang oras ko kaka practice kaya uubusin namin to ngayon.

Nasa kalagitnaan na ako ng Line DC when a silhouette appears, may tao sa likod ko.

"You know—ignoring him won't do you good"

Eight LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon