Chapter 18

7 1 1
                                    


"Wag mo din naman kasing e pressure, hayaan mo muna si Erin na namnamin ang panliligaw ni Zysk, aba e kung ako lang ay papahirapan ko naman talaga yan. Ang sarap kaya sa feeling na hinahatid sa classroom at kasabay magl-lunch ano?" panunukso pa ni Samanta.

"Gaga, kanina lang ay gusto mo ng sagutin ni Erin si Zysk ngayon naman ay kokontra ka, ewan ko sa'yong bakla ka minsan talaga di namin masakyan ang trip mo. Paano ka nga ulit namin naging kaibigan? Kaloka?"

Natawa naman ako sa kanilang dalawa. Patuloy si Sam sa pag express ng kanyang saloobin tungkol samin ni Zysk at si Yong naman ay panay ang pambabara sa kanya.

Si Yong ang nagmamaneho habang si Sam naman ay nasa passenger's seat, ako naman ay nasa backseat kasama ng iba naming gamit at binili naming regalo pati na rin pasalubong para kina Tita.

"Pero hoy a, ako'y nac-curious na talaga d'yan sa inyo ni Zysk, Erin. Pero mas curious ako sa family ni Zysk, strict ba ang Nanay nyan? Baka mamaya ay jumpalin tayo n'yan" I heaved a deep sigh. Ngayon na lang ulit ako dadalaw sa probinsya namin at wala pa akong kaalam alam kung kamusta na ba sina  Tita. Ang totoo ay ilang araw na din akong kinakabahan at nap-praning sa desisyon ko na sumama kay Zysk para sa debut ng kanyang kapatid.

How's Tita Zyra? Sa pagkakatanda ko ay isa s'yang local doctor sa Siniloan, meron kasing maliit na health center sa baranggay namin noon at doon s'ya na assign.

Dati ay natatanong ko pa kung bakit ayaw nyang lisanin ang Siniloan at pumanhik ng Manila para sa mas malaking opportunity, tapos ang sabi nya e, ayaw n'yang mapalayo sa pamilya lalo na sa bunso dahil nga sakitin dati si Zariah.

Pilit na sumisilip sa aking ala-ala ang nakaraan namin ni Zysk, dati na kung saan ang problema lang naming dalawa ay kung saan kami tatambay pagkatapos ng skwela, ngayon kasi ang dami ng nagbago, ang daming pumasok sa buhay namin. Ang daming nangyari.

"Pero alam nyo? Ang ano lang ha" Sabi pa ni Yong ng wala s'yang matanggap na sagot sa amin ni Sam.

"Diba nga halos lahat naman na alam na nanliligaw si Zysk sa'yo? Bakit pinipilit pa din ni Kylisle ang sarili n'ya sa taong ayaw sa kanya? Desperate much ba ang ateng?"

"Hindi naman sa ganon 'yon, Yong. We can't judge her based on what we see lang naman diba?" Nakinig naman ako sa sasabihin ni Sam.

Sa lahat ng diskusyon namin ay ngayon lang pinaglaban ni Samanta si Kylisle. Ngumiti pa ito ng mapait tsaka tumingin sa labas ng bintana bago muling nagsalita.

"She's in love, and we fell in love hindi na natin minsan namamalayan na nakakasakit na tayo ng tao kasi tayo mismo ay nasasaktan din. I do understand Kyli, sa ilang taon ba naman na nasa kan'ya ang attention ni Zysk tapos isang iglap lang bumalik yong ex? Syempre masasaktan at masasaktan ako. Na ichapwera si Kylie noong bumalik ka Erin" tumingin pa s'ya sa akin at kitang-kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata n'ya.

"Nasira ang lahat sa kan'ya no'ng bumalik."

May kung anong humaplos sa puso ko at parang nasasaktan din ako para kay Kylisle. Kahit kailan ay hindi ko pinangarap makasakit ng tao sa kahit na anong paraan, siguro ay parte ito ng buhay ko. Makakasakit at makakasakit ako.

Gusto kong maging selfish at angkinin na lang si Zysk, kahit ngayon lang ay gusto kong piliin naman ang sarili ko, kahit ngayon lang ay gusto kong maging masaya sa piling niya.
P'wede ba talaga yon?

Pagkatapos sabihin ni Samanta yon ay natahimik ang buong byahe naming tatlo. Masyadong akupado ang utak ko sa mga bagay bagay na pwede kong gawin pero p'wede ko ding pagsisihan.

Alas 11 ng tanghali na kami nakarating sa Siniloan, pagkababa ko sa klase ay humaplos sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Masarap sa pakiramdam, nakakamiss ang ganitong pakiramdam.

Binati kami ng dalawa nilang kasambahay, tinulungan din naman kami ng mga lalaki sa mga bagahe naming dala. Napag-usapan din kasi na sa linggo na lang kami uuwi para makapag pahinga pa kami. Friday pa lang ngayon at bukas ang debut ni Zariah, linggo ng hapon kami uuwi sa Manila.

"Kamusta kayo? Matagal ba ang byahe? Nako, sigurado akong napagod kayo hali kayo at magt-tanghalian na din naman. Pasok pasok" ngumiti kami sa mayor doma nina Zysk na sa pagkakatanda ko ay Nanay Angie ang pangalan n'ya.

"Sina Ma'am Zyra ay nasa kwarto pa at nagbibihis lamang, tatawagin ko na lang para sabay na kayong kumain ha? Zysk, iho. Asikasuhin mo muna ang mga kaibigan mo."

Tumango naman si Zysk at dinala n'ya kami sa dining room, medyo lumalaki laki itong bahay nila kumpara sa na aalala kong bahay nila dati.

Moderno ang desinyo nito at halos puti ang kulay na sya namang kaaya aya sa mata. Malinis tingnan ang kabuuan at ang mga gamit ay halatang mamahalin.

Mamaya pa ay may boses kaming naririnig kasabay nang mga yapak ng paa papunta sa dining.

Si Tita Zyra, Tito Zhander at Zariah.

"Hello,ki—" hindi natapos ni Tita Zyra Ang sasabihin n'ya ng makita nya ako. Gulat na gulat ang kanyang mukha at napatakip pa s'ya sa kanyang bibig. Ngumiti naman ako sa kanya ng pilit na ngiti.

Si Zariah naman na nasa kanyang likod ay kumunot ang noo, hapit sa katawan nito ang royal blue dress na kanyang suot at nakalugay ang kanyang hindi masyadong kulot na buhok. Maputi din s'ya, may katangkaran at napaka linis tingnan.

"Oh, Erin." Basag ni Tito sa katahimikan na namutawi sa loob ng dining room.

"Tito Zhander, Tita Zyra, Zariah. Magandang tanghali po."

Tumango sa akin si Tito Zhander, ramdam ko naman ang paghawak ni Zysk sa aking kamay, napunta doon ang tingin ni Zariah at umismid pa dito. Alam kong hindi ako welcome sa bahay na ito.

"Omo,Erin! How are you dear? Kailan ka pa bumalik" matamis na sambit ni Tita tsaka ako niyakap ng mahigpit.

Parang ang awkward ng yakap na yon dahil kaharap ko si Zariah na masamang nakatingin sa akin.

Alam ko yon, galit s'ya, galit na galit s'ya sino ba namang hindi magagalit kapag sinaktan mo ang kapatid n'ya tapos iniwan ko pa s'ya.

Hindi ako nakapagpaalam kay Zariah, sa best friend ko.

"Kamakailan lang din po, Tita. Kamusta po kayo?" ngumiti ako kay Zarniah ng bitawan ako ni Tita. Iginiya pa ako nito sa upuan na malapit sa kanya para don umupo, ang iba naming kasamahan ay gulat na gulat pa sa reaksiyon ni Tita, siguro ay konti lang ang may alam kung ano ang koneksiyon namin ni Zysk sa isa't-isa.

"Aba naman ay mabuting-mabuti. Sino ang kasama mong umuwi? Nalaman ko kina Kimberly na lumipat raw kayo sa Japan."

Si Kimberly ang dating kapitbahay namin na kaibigan nina Mommy at Tita Zyra. Medyo may kalayuan ang bahay namin sa bahay nina Zysk, dati ay sumasakay pa ako ng motor kapag uuwing bahay galing sa eskwela, ganon din si Zysk, pero dahil iisang daan lang ay palagi din naman kaming sabay kung umuwi.

"Kasama ko ho si Jacob, s'ya po iyong pinsan ko na galing sa Japan."

Nagtuloy tuloy ang kwentuhan namin ni Tita Zyra, paminsan-minsan naman ay tinatanong nya ang iba naming kasamahan. Kita ko din ang closeness nina Zariah at Kylisle.

"Hindi ko alam kung paano kita susuyuin, pero masaya ako na maayos ka at lumaki kang maayos. Masaya ako kasi makakadalo ako sa isa sa mga espesyal na araw sa buhay mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eight LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon