Kinabukasan ay tanghali na ako nagising, siguro ay dahil sa pagod sa tuloy-tuloy na dance practice. Hindi man lang ako ginising ni Zysk para man lang sana di ako absent sa morning classes ko.
Pagdating ko sa school ay nagtext na lang ako kina Sam and Yong na didiretso ako sa canteen para maghintay sa kanila for the lunch.
I also texted Zysk na nasa school na ako and he insisted to join us for lunch, I agreed because I know na kahit anong idadahilan ko ay hindi sya magpapapigil.
While waiting ay kinuha ko ang sketchpad ko para tapusin ang building ng Law Building. Konting details na lang kulang ay matatapos ko na sya. I also bought iced coffee para may mainom naman ako habang naghihintay. Sam told me na nagkaroon lang ng discussion sa major subjects namin and magbibigay daw ng assignment.
Wala naman akong problema don dahil mabait naman si Sir and I'm sure na makakahabol din ako sa lesson.
Saktong natapos ko ang sketch ko ay dumating si Zysk at Harrison, wala tuloy akong choice kundi ang maghanap ng table na makakapag occupy sa aming lahat. Pinili ko ang long table na kaharap ng Nursing Building dahil 'yon lang ang available na tiyak kong kakasya kaming lahat.
Kinamusta ako ni Harrison at nag-usap kami. Dati ay naw-weirduhan pa ako sa kanyang pagiging seryoso pero habang tumatagal ay gumagaan naman ang loob ko sa kanya.
He's a good friend of Zysk, as well as the other boys in the band. They took care of Zysk when he started as a vocalist of their band.
Hindi naman sila magtatagal kung wala silang pakialam sa isa't-isa. Their friendship is as strong as their band.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating din si Yong at Sam. Gulat pa si Yong ng makita ang dalawa habang si Sam ay pangiti-ngiti lang. They both took the empty seat in front of us.
Naisipan na nilang omorder at ako naman ay wala ng ganang kumain dahil nga kumain na ako bago pumuntang school dahil may nilutong breakfast si Zysk at yon na ang ginawa kong lunch.
"Nga pala" Zysk broke the awkward atmosphere covering our table.
"Next week will be the debut of my sister. I invited Erin and you, two can come as well if you like." Sabi nya habang nakatingin kay Samanta at Yong.
Nagkatinginan pa ang dalawa bago tumango. Alam kong ginagawa to ni Zysk para mapilit akong dumalo sa kaarawan ng kanyang kapatid. Nahahalata nya siguro na hindi ako komportable sa iba nya pang kaibigan. Lalo na sa barkada nina Kylisle.
Nahiya naman kasi akong yayain ang mga kaibigan ko dahil parang isang barangay ang pupunta sa piging ng mga Luciano.
Sumang-ayon naman ang mga kaibigan ko na para bang may iniisip na hindi maganda lalo na si Yong ng malaman nyang pupunta din si Kylisle at mga "alipores" nito.
After kumain ay bumalik na sina Harrison sa kabilang building dahil may recit pa daw sila, kaming tatlo naman ay may kalahating oras pa bago magsimula ang klase namin sa isang minor.
"Malayo ba sa inyo?" di maiwasang wag magtanong ni Sam.
Hindi ko nga pala nasabi kung saan ang probinsya namin, basta ang alam nila ay galing akong Japan na iniwan ang boyfriend niya para sa kanyang lolo na namatay sa Leukemia at bumalik sa Pilipinas.
"Mga 3 oras byahe mula dito" sagot ko naman sa kanya. Masyado atang naexcite ang dalawa kaya yong isang tanong ni Sam ay nadagdagan pa ng tanong at ako naman ay panay sagot lang.
Wala akong masyadong ala-ala sa lugar na yon. Siguro ay madami na ang nagbago, mga gusali,daan,kabahayan, pero alam ko sa sarili ko na maganda pa din sa probinsya namin.

BINABASA MO ANG
Eight Letters
RomanceErin decided to transfer after her parents took over her grandfather's business in Japan due to a severe leukemia. Not minding her new environment , muli niyang nakita ang lalaking iniwan niya nang walang dahilan, she was too naive about love way b...