It's been 3 days since Zysk left, sa 6 days na yon maraming nangyari. Nag audition ako sa CE Hip-hop Dance Crew buti naman at natanggap ako kasi muntikan nang di makahabol sa audition dahil sa special quiz ni Prof. I did not totally slayed the whole audition kasi madaming magagaling, but I'm still glad na nakapasok ako sa grupo. It's ecstatic.
Tinulungan ko din si Jacob para lumipat ng Condo, natapos ang pinapaayos nya sa kanyang Condo last day kaya naman kahapon ay napagdesisyunan nyang umalis nang condo ko at doon na manirahan sa condo nya.
I helped him as well, sa mga gamit nya, sa groceries and all. Tumawag kasi si Mama at nagtatanong kung kamusta daw ba ang bagong place ni Jacob, minsan iniisip ko kung ampon ba ako at sila ang mag-ina o mas mahal sya ni Mama.
"Ang lalim naman ng iniisip mo Erin Leondale Gracinni" pabirong tawag ni Dave sa atensyon ko. Umirap ako at bumuntong hininga.
Umupo sya sa tabi ko at binuksan ang kanyang water bottle, uminom sya mula dito at pinunasan ang kanyang basang noo.
"Kanina ka pa tulala, anong problema mo?" tanong nya. Umiling ako, wala naman talaga akong problema these past few days masyado akong drained. Dahil sa papalapit na University week ay mas nagiging busy kami sa pag practice.
Si Yong kahit na officer Ng ACES ay mas piniling maglaro para sa volleyball boys, si Samanta naman ay hindi ko napilit na sumali sa Hip-hop dahil mas masaya daw sya sa Cheerdance kaya naman hinayaan ko na lang.
"Wala naman, pagod lang" maikli kong tugon kay Dave. After the successful event of welcoming smash kung saan una ko syang nakilala ay mas naging malapit kaming dalawa sa isa't-isa, minsan kapag wala sina Sam ay sya ang kasama kong maglunch minsan pati dinner dahil sa gabi na kami natatapos sa practice.
"Ano, coffee?" tanong nya ulit na agad ko namang tinanggap. Ngumiti sya sakin at tumayo habang pinapagpag ang alikabok sa kanyang pants, ako naman ay tumayo na din at kumuha ng wipes para tuyuin ang pawis sa aking mukha bago pinusod ang aking buhok. Pagkatapos ay sabay naming tinahak ang daan papuntang canteen para magkape.
Omorder sya ng dalawang coffee laté habang ako naman ang syang naghanap nang mauupuan naming dalawa. Naisipan kong sa second floor na lang umupo dahil maganda ang hangin do'n. Nilibot ng mata ko ang kabuuang floor, kumpara sa first floor na glass window at glass door ang second floor naman parang malawak na balkonahe na pwedeng pwede sa mga gustong magpahangin.
May mga tanim na akala mo ay pinagtaniman ng mga plantita, ang round tables at mag tig apat na wooden chairs, pati ang nagsisilbing fence ay gawa din sa kahoy na di aabot sa aking dibdib. Nang may nakita akong upuan na bakante ay agad akong naglakad doon at inilapag ang aking bag saka umupo. Ipinikit ko saglit ang aking mata at hinilot ang aking sentido. Mukhang stress na stress ako at sobrang sakit ng ulo ko.
"Erin"
Hindi ko alam kung bakit parang naririnig ko si Zysks but then I know na wala sya dito. He's been away for days now and walang nakakaalam kung kailan sya babalik. Minsan nakausap ko ang barkada nya, ang alam lang nila ay umuwi sya dahil nagkaroon ng problema sa pamilya nila. Ayaw din nilang sabihin kung anong problema dahil baka daw magalit si Zysk. I sighed as I opened my eyes at muntik pa akong mabuwal sa kinauupuan ko.
No, I wasn't dreaming.
No, I wasn't hallucinating.
And no, I'm not just hearing things.
Sa harap ko ay si Dave hawak hawak ang dalawang kape, halatang kabado at nanginginig pa ang kamay. Kasama nya si Zysk na masamang nakatingin sa akin at ang barkada nya na pasimpleng kumaway maliban Kay Harrison na seryosong seryoso sa gilid.
Akala ko ba wala sya dito? Akala ko ba matatagalan pa sya bago makauwi? Akala ko ba malaking problema ang inaayos nya? Bakit sya andito?
Palipat lipat ang tingin ni Dave sa aming dalawa ni Zysk. Nilapag nya sa mesa ko ang kape bago umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko. Si Zysk naman ay tumaas ang kilay na para bang naiinis sa kanyang nakikita. Pumikit ito bago muling magsalita.
"Let's talk privately" he coldly said before turning his back. Huminga muna ako bago nagpaalam kina Dave at Harrison bago sumunod kay Zysk.
Nang marating namin ang likod na bahagi nang canteen kung saan napapalibutan nang punong acacia ang lugar ay huminto si Zysk. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo. Tumatagos ang kanyang tingin sa aking pagkatao na para bang hinihimay nya ang aking kaluluwa. Inisang hakbang nya ang pagitan naming dalawa bago nya ako niyakap ng mahigpit.
"I missed you. I missed you so damn much"
And with that, my heart melted. I was longing for this, for his voice, for his touch, for his warm embrace, for his presence, for his care. I missed all of these things about him. Kinagat ko ang ibabang labi ko, ayaw kong magsalita, ayaw kong basagin ang yakap nya o ang presensya nang emosyon na nasa loob nang puso ko ngayon. Gusto ko lang dito, sa tabi nya,sa yakap nya, sa pagmamahal nya. Dito lang, dito ako bagay. Sa tabi nya.
Sa loob nang ilang araw ang lahat ng pagod, ng tanong, at iba pa. Lahat ng iyon nawala, sa isag yakap lang, sa boses nya lang. Lahat, lahat nabura.
Ninamnam ko ang kanyang yakap, tumahimik na din sya, tumigil na sya sa pagsabi kung gaani nya ako kamiss. Ang dami ko ding gustong itanong, sa kung bakit hindi sya nagpaalam, sa kung bakit bigla syang umalis, sa kung paano nya naagapan ang kung ano mang problema nila ng pamilya nya. Kung kamusta ang lugar na 'yon, kung marami bang nagbago,kung kamusta sina Tita sa probinsya, madami. Pero ayaw kong pangunahan si Zysk,gusto kong sya mismo ang magkwento, sya mismo ang magsabi.
Sa loob nang 6 na araw na 'yon, nangulila ako sa kanya,hinanap ko sya, nag alala ako sa kanya,namiss ko sya. At kahit anong tanggi ko hindi maitatangi ng puso ko na hanggang ngayon, sya pa rin. Sa loob ng ilang taon, sya pa din.
Ang ikinikatakaot ko ay kung papaano ko sasabihin sa kanya ang mga katagang iyon.
Kung saan ako magsisimula, kung paano ako napadpad sa kanya, sa kanya ulit.. Sa taong nasaktan ko. Paano ko sasabihin ang walong letrang iyon.
BINABASA MO ANG
Eight Letters
RomanceErin decided to transfer after her parents took over her grandfather's business in Japan due to a severe leukemia. Not minding her new environment , muli niyang nakita ang lalaking iniwan niya nang walang dahilan, she was too naive about love way b...