Katulad ng napag-usapan nang grupo ay maaga akong umalis ng condo, alas 5:45 ay nasa campus na ako sakto naman na may iilang faculty members na kaya nakapag sulat na ako ng letter para makahiram nang materials namin para sa activity.
Ipinusod ko ang aking buhok at inayos ang backpack na medyo may kalakihan kesa dati kong dala dahil mamayang hapon ang audition ng ACES Hip-hop para sa University Week. Isinukbit ko ng maayos ang bag ko at dinala ang ibang gagamitin para sa pagtagapos nang activity namin.
I chatted Aldwin and Leomar to help me with the materials kasi nasa gate na daw sila, they obliged. Nauna ako sa field para makapag ayos na ng traverse. Pagdating ko sa Agricultural Department ay agad akong naghanap nang lugar na may puno para hindi mainit sa lugar namin kaagad. Kami pa lang ang nasa field kaya naman solong solo ko ang preskong hangin na humahampas sa aking mukha.
Naupo ako sa nakaungkat na ugat nang punong kahoy at nilapag ang aking mga gamit. Agad Kong binuksan ang aking bag at kinuha ang data namin kahapon para idugtong ang data ngayon. Nilagay ko din ang Oras, Araw at panahon kung kailan ginanap ang paggawa ng activity.
Habang hinihintay sina Leomar at Aldwin ay ginala ng aking mata ang kabuuang field nang Agricultural Department, sa gilid di kalayuan sa kinauupuan ko ay ang Badminton at Volleyball court nang university. Kita din sa pwesto ko ang Integrated School na sakop ng paaralan. Ang kanilang mini farm na sa tingin ko ay ang siyang nilalagyan nang mga pananim ng kanilang mga estudyante ay nasa likod nang mini covered court.
"Simulan na natin?" Sabi ni Aldwin at nilapag ang kanyang bag sa tabi ng bag ko. Kasunod nya ay si Leomar na syang may dala ng malalaking equipment namin, sa aming Lima ay si Leomar Ang may lakas para magbuhat, di kalayuan ay si Yong at Samanta na halos takbuhin ang Engineering Department papuntang Agricultural Department.
"Sige,may quiz pa kasi mamaya kay Sir kaya need din talagang matapos agad" Sabi ko at tumayo sa kinauupuan. Hinintay namin sina Yong at sinimulan na ang pag aayos nang mga gamit namin.
Dalawang traverse na lang ang kulang namin kaya hindi kami magtatagal sa field,sina Leomar at Yong ang gumawa nang traverse habang si Aldwin at ako ang syang naglalagay ng data. Si Samanta naman ang syang bahala sa calculations.
"Pacheck nga nang EF parang hindi tama gawa ko e." Sabi ni Sam habang inilahad sa amin ang EFN ng grupo para e check ang kanyang gawa.
"Dapat kasi negative ang value para maclose mo yong traverse. Ganito" kinuha ni Leomar ang notebook at sya ang nagtapos ng calculations ni Samanta.
Alas 7:13 ay nagsimula na ding magsidatingan ang iba naming kaklase para sa activity nila.
"Patapos na ba kayo?" Tanong ni Ken ang leader ng kabilang grupo. Tumango ako, kumuha ako ng wet wipes sa bag at pinunasan ang noo ko na Kanina pa pinaliguan nang pawis.
"3 points na lang tapos na kami. Kayo ba?" Sabat ni Yong.
"Magsisimula pa lang kami, medyo madami pa ang kulang."
Nag-usap muna kami bago nagpatuloy sa gawain, dumadating na din ang iilang agriculture students, nahihiya pa kami minsan dahil sa mga titig nila na para bang bawal kami sa kanilang teritoryo. Ang ibang estudyante ay napapatigil pa at nakikipagchismisan sa amin na para bang ngayon lang nakakita nang compass.
Alas 7:56 ay natapos na kami sa gawain, dahil alas 8:30 pa ang klase namin ay naisipan naming tumambay muna sa canteen, sakto dahil nakalimutan kong kumain dahil sa pagmamadali. Omorder ako nang isang fresh milk, bacon at rice. Naupo kami sa malapit sa opening nang canteen dahil hindi naman kami magtagagal.
"Sabay na lang tayong pumunta sa Audi" Sabi ni Sam.
Mamayang alas 4 ang Audition, gaganapin ito sa Audit nang Engineering kung saan ginagawa madalas ang mga meetings at kung ano ano pa.
"Sina Kuya Matthew ang judges mamaya kaya less pressure yon,Rin." Dugtong pa nito.
Si Kuya Matthew ang Vice president nang Aces, hindi ko alam if Kasama ba sya sa Hip-hop or not. Nakilala ko sya Minsan nang magmeeting sila at hinintay ko sina Yong sa labas, nakausap ko sya at masasabi Kong mabait sya. He's a graduating student, medyo may kachubbyhan pero halatang may hitsura. Minsan ay sa kanya daw nagpapaturo ang lower years lalo na sa Calculus.
"Pagkatapos nang audition saan tayo?" Tanong ko sa kanila.
"Dakasi ba? Parang gusto ko mag milktea after kaso baka di ka payagan ni ano" pabirong sabi ni Yong na agad namang pinandilatan ng mata ni Sam. I chuckle, I thought I'll be having a hard time with these two to keep my secret, fortunately they're doing their best to hide it as well. Minsan nga lang nadudulas si Yong.
"Alam mo naman baka mamaya may biglang humablot nang buhok ko diba? Owemji yon mabuti sana kung may bayad yong bawat sabunot" natawa kami sa Sinabi ni Yong.
Hindi naman siguro aabot sa ganon, sana nga hindi ganon. Dahil Wala sa Zysk sa Condo ay hindi ko pa sya nakakausap patungkol don sa nangyaring pagkikita namin sa Law Department, ayoko din namang guluhin si Harrison baka sabihin non hindi ko pa naman sinasagot kaibigan nya ay umaakto na akong jealous girlfriend.
Hindi ko din alam kung ano ang reason ni Zysk at bakit biglaan ang kanyang pag-uwi sa kanila. Siguro nagkaroon nang emergency.
I'm starting to miss my old town as well, kamusta na kaya don? Marami na bang nagbago? 'Yong bahay kaya namin andon pa?
"Tara na?" Inisang lagok ko ang fresh milk at tinapon ito sa malapit na basurahan. Agad Kong kinuha ang aking bag at sumunod sa kanilang apat papuntang classroom.
Kapag may pagkakataon,sisiguraduhin kong makadalaw man lang doon. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat,sa lugar kung saan kami unang nagkakilala ni Zysk, sa lugar kung saan napuno nang pagmamahal ang munti kong puso,at sa lugar kung saan ito unang nawasak.
BINABASA MO ANG
Eight Letters
RomanceErin decided to transfer after her parents took over her grandfather's business in Japan due to a severe leukemia. Not minding her new environment , muli niyang nakita ang lalaking iniwan niya nang walang dahilan, she was too naive about love way b...