Pabalik-balik ang tingin ko kay Samanta at Zysk na parehong naka-upo sa couch. Hindi ko alam kung paano ko sismulan ang pagpapaliwanag kung bakit nya nasaksihan ang paglabas ni Zysk sa kabilang kwarto na naka boxer lang.
"Asan na daw ba si Yong?" tanong ko kay Samanta na hanggang ngayon ay matalim ang titig kay Zysk.
Nilagay ko sa round table ang juice at popcorn na inihanda ko para sa kanya. Nakalimutan ko kasi na ngayon kami magp-practice para sa audition ko sa ACES Hip-hop. Ayos lang din kahit hindi na ako mag audition dahil secretary ng Aces si Samanta at Event Coordinator naman si Yong kung gusto nilang isali ako ay pupuwede pero ayaw ko namang iasa ang lahat sa kanila. Gusto kong makapasok fair and square hindi dahil sa backer.
"Papunta na sya dito." tumango ako at naupo sa tabi ni Zysk. He's already wearing his shorts and plain tee-shirt. Basa pa ang kanyang buhok na halatang kakatapos lang maligo. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango na hinaluan ng mamahalin nyang body wash.
"So bakit ka nandito?" diretsong tanong ni Sam kay Zysk.
Ramdam ko ang pagkabog ng puso ko, napayuko at hinihintay ang sasabihin ni Zysk. Kung sasabihin niya na dito sya nakatira ay wala na akong magagawa, alam ko na maling magsinungaling sa mga kaibigan ko pero again kahit anggulo mo tingnan we are living in the same room and that is against our school rules. O kahit anong rule, thinking about it, it's wrong.
Hindi kami magnobya, o kahit magnobya man ay mali pa rin dahil pareho kaming estudyante. May pangalan syang iniingatan sa University, ako naman ay nagsisimula pa lang bilang bagong estudyante. Isang malaking eskandalo pag nalaman ng lahat na nakatira kami sa iisang unit.
"I live here"
Wala na.
Napakagat ako ng labi sa sinabi ni Zysk. Para bang wala lang sa kanya ang salitang yon. May tiwala ako sa mga kaibigan ko pero sabi nga nila may tenga ang pader. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ni Samanta, ang alam ko lang ay mah-hot seat ako mamaya.
Hindi nila alam kung ano ang nakaraan namin ni Zysk, at kung susumahin kamakailan lang ako nagtransfer sa University at doon lang kami ulit nagkita. Sa practice ng Dance Crew.
"You live here? Sa condo unit ni Erin?" tumango naman si Zysk bilang tugon.
Pabalik-balik ang tingin ni Samanta sa amin ni Zysk. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha. Huminga ako ng malalim at panay ang paglalaro sa aking mga daliri. Para akong nasa Show ni Kuya Boy Abunda. Kumakalabog ang puso ko na mistula bang sumali ako sa isang karera.
I was about to say something when my phone rang. It was a call from Yong, saying that he's in the elevator with a 'hunk'. Napakalandi ng baklang ito. But believe me, it was a good timing.
I smiled in relief after hearing Yong's statement. Magpapaliwanag ako, hindi matatago ang sitwasyon naming dalawa ni Zysk and Samanta know it already. Akala ko ay wala nang makakaalam pa aside from Harrison and Jacob but no. Samanta knew it and I know that Yong will know it as well.
Bago pa makapagtanong ulit si Samanta ay bumukas ang pinto ng unit ko at pumasok si Yong while having a smug face, behind him is this person whom he describe as a 'hunk'.
Nasa abot 5'9 ang tangkad nya at nakasuot ng gray t-shirt, cargo jeans and white nike shoes. His hair is in a clean cut and his hands holding some groceries. Yes, he is with my cousin Jacob.
I was about to approach them when Zysk stood up and helped Jacob with the groceries. They became close, naging magkaibigan ang dalawa sa panahong magkasama sila dito sa unit ko. Jacob also discussed that he'll leave once he found a unit and yep, he did found one but he's still staying in my unit dahil may pinapaayos pa sya sa kanya. Zysk? Wala akong alam kung kailan sya aalis o may plano pa ba syang umalis.
"Start with your practice. Jacob and I will prepare the foods." He said with his stern voice. I nodded as an answer.
"Bakit ganyan ang mukha mo, bakla?" tanong ni Samanta kay Yong na nakanguso habang nakatitig sa akin. I smiled nervously, baka nasabi sa kanya ni Jacob ang sitwasyon namin ni Zysk.
"Bakit hindi mo sinabing may pinsan kang mala Adonis?" tanong nito sa akin.
He's pertaining to Jacob and I guess that's something I shouldn't be anxious of. Walang nasabi sa kanya si Jacob, pero hindi ko maalis sa puso ko ang kaba kapag nagkatitigan kami ni Samanta.
Fortunately, Samanta stayed silent and Yong didn't ask anything aside Jacob's existence. Ginamit namin ang buong araw para magpractice since I'll be needing them both as my back up dancers dahil nahihiya ako sa mga seniors namin. Some know me as a member of University Dance Crew and a friend of Aces Org, still I felt anxious kapag maraming tao.
Napagdesisyunan namin na Toxic by Britney Spears choreograph by Mina Young ang sasayawin namin. I love the whole choreography and they also agreed on it kaya sinimulan na naming gayahin ang sayaw.
Pag may oras naman na walang gagawin sa kusina ay nanonood sina Jacob at Zysk, may mga sexy steps ang sayaw kaya minsan ay napapagalitan ako ni Zysk sa harap nina Sam.
"Change the step. You're not going to jerk in public."
His stern voice echoed in the whole sala of my unit. Napatigil si Jacob sa pagnguya ng chichirya na binili niya kanina kasabay ng grocery at pag sayaw namin ni Sam at Yong.
"Okay, ano ba talagang meron sa inyong dalawa? Kanina pa ako na c-curious." Tanong ni Yong.
And once again I gulped in nervousness. Kanina pa siguro nila nahahalata ang pagkadisgusto ni Zysk sa ibang steps namin. Pabalik-balik na rin ang tingin ni Yong sa aming dalawa while Samanta crossed her arms asking for some answers.
"A suitor" he plainly said.
I literally saw my best friends jaw drop. And before I knew it I was already explaining everything to the both of them. With Jacob munching the snack, Zysk supporting me and these two curious cats listening to the whole story.
Naikwento ko mula Highschool, hanggang sa break up namin, ang paglipad ko papuntang Japan, delayed na pagbalik dahil sa problema sa kompanya, ang pagbalik ko, pagkikita namin sa practice, ang pag-uusap namin hanggang sa mga naganap noong nakaraang araw. Ipinaliwanag na din ni Zysk ang relationship nilang dalawa ni Kylisle para linisin ang pangalan nya.
"Aalis ako ng unit nya kapag nakaalis na si Jacob."
"Naks walang tiwala sa sariling pinsan" Jacob butted in.
"So all those time na napag-uusapan natin si Zysk and Kylisle ay involved kana?! Bakla ka ang haba ng buhok mo!" Exaggerated na sabi ni Yong na may pahawak pa sa braso ni Jacob. I smiled shyly.
I trust my best friend, after this sana wala ng makaalam na dito sya nakatira. Again, he has a reputation to keep, and I don't want to ruin that.
![](https://img.wattpad.com/cover/241856170-288-k359212.jpg)
BINABASA MO ANG
Eight Letters
RomantikErin decided to transfer after her parents took over her grandfather's business in Japan due to a severe leukemia. Not minding her new environment , muli niyang nakita ang lalaking iniwan niya nang walang dahilan, she was too naive about love way b...