Chapter 16

6 0 0
                                        

"So? Di ba 'yon nga ang gusto mo? Ang makabisita sa lugar nyo?" takang tanong sakin ni Sam. Napabuntong hininga naman ako bago humigop sa aking milktea.

Tama nga naman, I planned on visiting our old town, our old house, the place of where I grow up. Pero yong suggestions ni Zysk ay hindi ko planado or wala man lang sa options ko.

"Ano ba kasi ang problema mo, Erin?" tanong nya ulit.

"Look,Sam. Wala sa plano ko ang manatili sa bahay nina Zysk, or makita man lang sina Tita. Hindi pa ako ready, ni hindi nya nga ako girlfriend para ipakilala sa parents nya. I mean— I know them personally, yes but after what I've done in the past, I don't think I'm still welcome in their house."

"Look, Erin" pang gagaya nya sa akin.

"Wala naman siguro silang magagawa Kapag andon ka na diba? Besides—" she took a pause as she sip her milktea.

"Zysk is old enough, hindi naman siya bata para mautusan na wag kang balikan whatsoever hindi ba? Lastly, wala kayo sa Wattpad,gurl. His mom won't give you millions to stay away from his son, wag kang assumera"

I sighed, defeated. Sam has a point. But I am still anxious, kung hindi lang sana ako sinabihan ni Zysk na imbetado ako sa debut ni Zariah ay wala sana akong problema ngayon.

Ang sabi niya ay sa susunod na linggo ito gaganapin dahil hihintayin daw sya ng kanyang kapatid para sa selebrasyon.

I know Zariah from the back of my hands. We've been friends from Elementary to Highschool before I flew to Japan.

Ang plano naman ni Zysk ay after class next Friday kami uuwing probinsya para may oras kaming mag enjoy sa lugar. He also suggested to roam our old town para makita ko ang pinagbago don.

Isasama nya ang kanyang barkada, I'm with his band mates, pero kahit kailan ay hindi kami naging okay ni Kylisle. At 'yon ang problema ko.

"Sumama ka na lang, everything will be okay" she assures me. I smiled a bit hesitant.

Buong araw na iyon ay wala akong ibang iniisip kundi ang magaganap sa kaarawan ni Zariah.

I've been absent minded hanggang sa practice namin sa Hip-hop nahihiya na nga ako kay Dave dahil sya ang nagtuturo sakin ng ibang dance steps.

"Have you decided?" tanong sakin ni Zysk habang kumakain kami. Umiling ako, despite of the comfort and assurance, I know hindi pa ako handa para makaharap sina Tita, or kahit sino sa pamilya ng Luciano.

I know what I've done, at hindi ko din alam kung mapapatawad ako nina Tita tulad ng pagpatawad sakin ni Zysk.

"Alright, take your time. You still have a week to decide"

"I don't think I can do it" tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. He stopped eating his foods as well.

"Nahihiya ako, Zysk. Kina Tita, kay Zariah, sayo. Iniwan kita dati tapos biglang sumulpot na parang wala lang, na parang wala akong nagawang mali. Natatakot ako na baka hindi nila ako kayang tanggapin ulit tulad ng pagtanggap mo sakin. Isa pa, hindi mo ako girlfriend para isama sa debut ng kapatid mo, Zysk." He hissed.

"Correction hindi pa ulit."

"You're not even listening!"

"I am listening, Erin and no. They will accept you and forgive you. Your reason is valid, pinili mo ang Lolo mo kaysa sakin. We we're too young and naive back then, walang kasiguraduhan, and the past lead us to what and where we are right now. I won't invalidate your feelings but I am assuring you, everything will be fine"

Paano nya nasasabi ang lahat ng iyan? Paano nya nasasabi na para bang hindi ko sya iniwan at sinaktan dati? Paano nya nasasabi ang ganyan na para bang lahat nang nangyari ay wala ng halaga?

We finished our dinner silently. Iniisip ko pa din ang lahat ng napag-usapan namin. Sya naman ay halatang pinakiramdaman muna ang atmosphere.

Sabi nya naman I can bring Yong and Sam with me para hindi ako kabahan. I can also do that, but— I don't want to add another guests because in the first place, I am not related to the debutant maliban sa naging kaibigan ko sya dati bago ko iwan ang kuya nya. Plus, nakakahiya naman if magdadala pa ako parang isang buong baranggay na kaming dadalo sa birthday ni Zariah.

"Hey, don't over work yourself. As what I've said you still have a week to decide." I nodded as I wash the dishes. Dahil sya naman ang nagluto ngayong gabi ay nagvolunteer na akong maghugas ng pinagkainan naming dalawa.

Dahil na din sa practice ay alas 8 ng gabi na ako nakauwi, buti na lang at nauna syang nauwi dahil wala silang practice sa banda, kung sakali mang meron ay mapupurga na ako sa kaka takeout naming dalawa.

"Bisitahin natin si Jacob this Saturday" sabi ko sa kanya.

Mag iisang linggo na ding umalis si Jacob sa apartment ko at lumipat sa bago nyang apartment, kakamustahin ko na lang din ang unggoy na yon dahil hindi man lang kami nagkaka banggaan sa school kahit na halos lahat ay naghahanda para sa university week.

"Pagkatapos natin syang puntahan ay mamamalengke tayo."

"Kailangan pa 'yon?" tanong nya sakin. Nakaupo sya sa sofa, ang dalawang kamay ay naka sandal sa kanyang ulo habang naka de kwatrong upo.

"Maliban na lang kung may balak kang magpagutom" sarkastiko kong sabi sa kanya.

"I mean, baby look. We don't eat here, we don't cook, we do drive thru and orders." I rolled my eyes.

"Zysk, look. We're only doing drive thru and orders due to hectic schedule of practice. Kung hindi lang tayo gagabihin ay mas pipiliin kong magluto kaysa omorder kasi masakit na sa bulsa"asik ko naman sa kanya.

Sa huli ay wala syang nagawa kundi ang pumayag na mamalengke. Napag-usapan din naming dalawa ang tungkol sa pag alis nya ng apartment ko dahil ang usapan ay pag nakaalis na si Jacob ay aalis din sya. Pero ang sinagot lang sakin ng mokong na to ay

"I'm enjoying my stay here"

I guess I'm stuck with this guy. And I'm enjoying his stay here as well.

Eight LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon