To @SeungJeHwa Eto na po yung Request niyo!!! Sana magustuhan mo kahit na parang ang lame niya kaiyaq T^T
B A E K Y E O L ( FOREVERMORE )
" Baek! Baek! " napalingon ako sa taong tumatawag sa maganda kong pangalan. Si KyungSoo lang pala.
" Oh? Anong problema mo? Magpitas ka na nga lang diyan! Huwag mo akong guluhin busy ako. " sabi ko habang inaayos ang strawberries na napitas ng iba.
Kung bakit ba naman kasi ganitong parusa ang pinapagawa ni Suho hyung. Nandito kasi kami ngayon sa Baguio para pagpitasin ng mga strawberry. De joke. Nandito nga kami sa Baguio at pinag volunteer kami ni Lolo Suho para tumulong sa mga trabahador na nagpipitas ng mga strawberries. Pinagday off pa niya at kami ang pinapalit ang galing lang talaga.
Nagtaka nga ako kung bakit eto ang pinapagawa niya. Kesyo hindi raw kami marunong kumilos sa mga gawaing bahay -.- Eh ano ba naman kasi ang connect ng pagpipitas sa household chores diba? Kahit din naman siya eh tamad din naman -.-
Kaya eto no Choice at sumunod sa gusto ni Suho Hyung para hindi niya kunin ang babies ko!
" Baek! " napatalon ako sa gulat at muntikan ko ng mahampas ng basket si KyungSoo. Hahampasin ko sana akala ko kasi si Chen xD
" Oh? Bakit ba kayo nasa likod ko? " kasama kasi ni KyungSoo ang lahat pwera lang kay Chanyeol na seryosong nagtratrabaho dun sa likod. Baka maging kuba na siya kakayuko hahaha!
" May nakita akong strawberry!!! Diba guys?!! " tanong niya sa iba at ang mga timang ay tumango pa na parang excited
" Syempre naman KyungSoo makakakita ka ng strawberry since nagtratrabaho tayo ngayon sa isang strawberry farm. -_- " nakapoker-face kong sabi.
" Hindi!!! Kambal na strawberry eto oh! " At nilabas niya ang sinasabi niya kambal na strawberry nga! Ang galing naman!
" Hindi mo naman sinabi! Akin na nga " agad kong kinuha ang strawberry at kinain yung isang side.. Hmm! Ang sarap!
Lahat sila ay gulat na nakatingin sa akin
" Problema niyo? "
" Bakit mo kinain?! O___O " gulat na tanong ni KyungSoo sa akin. Ano bang meron?
" Yung strawberry? "
" Hindi! Baek! Yung mansanas daw bakit mo daw kinain lalasunin ka daw hanggang sa mamatay ka! Syempre yung strawberry! " inirapan ko na lang si Chen sa pamimilosopo niya. Eh sa gusto kong makasiguro no! Baka mamaya oo lang ako ng oo tae pala niya ang tinutukoy niya kadiri!
" Bakit? Ano bang meron eh pagkain din naman yun! Hindi naman yan siguro katulad ng kambal na saging na may pangitain na magkakaanak ng kambal pag kinain mo tsaka hindi rin naman ako mabubuntis no! "
" Hindi naman sa ganun Baek! May kasabihan daw kasi na kapag kinain ng someone yung isang side ay siya na ang 'The One' mo oh diba?! Isn't it exciting? " yung totoo KyungSoo ikaw na ba si Kim Chiu? Chos!
" Ay ganern?! Ay sige itatago ko ipapakain ko to sa anak kong si V. " akmang itatago ko na sana nang may dumampot na iba.
Pakshet bakit si Yodang higante pa?!
" HUWAAAG!!! " sigaw ko pero huli na ang lahat.
" ...mong...kainin... " halos mahimatay na ako sa ginawa niya.
" PUNYETA KANG PAKYEOL KA!! BAKIT MO KINAIN!!! AYOKONG IKAW ANG THE ONE KO!! EW!! ILUWA MO! ILUWA MO YUNG KINAIN MO PUNYETA!! " pagwawala ko habang pinaghahampas siya.
Nahuli naman niya ang mga kamay ko at pinigilan ako.
" Aaah alam ko na yun! Ayaw mo nun? Ako na ang Forever mo? " nakangisi niyang tanong sa akin.
" HEH! WALANG FOREVER!! " sigaw ko sa kaniya sa wala na akong masabi eh!
" Edi ako na ang mamahalin mo. "
Sabihin niyo nga, bakit ba namula ang magandang pisngi ko sa sinabi niya?
-x
Tin's Note:
Sensya na kung ang lame hindi na kasi ako nakakanood ng forevermore eh! Nagtanong lang ako sa kaklase ko eh!!
TINLUVYESUNG