K A I S O O (3)
Kasalukuyang naglalaptop si Kyungsoo nang makita niya si Jungkook sa isang website.
" Ang cute pala nung Jungkook no? Batang-bata " bigla na lang nagsalita si Kyungsoo.
Agad na napakunot ang noo ni Kai sa sinabi ni Kyungsoo dapat kasi matutulog na siya dahil sa inaantok na talaga siya kaso nawala ang antok niya sa sinabi ni Kyungsoo.
Hindi na niya pala kailangang magkape para hindi makatulog, magsalita lang si Kyungsoo nang hindi niya gusto eh gising na gising na siya.
' Bakit hyung? Bata pa rin naman ako ah ' gustong sabihin yan ni Kai pero No comment na lang si Kai sa sinabi ni Kyungsoo. Para san pa? Baka lumaki daw bigla ang ulo nung Jungkook na yun kapag narinig niya na pinupuri siya ng IDOL niya.
Oo IDOL.
Nabalitaan din kasi ni Kai na fanboy daw ni Kyungsoo yung Jungkook kaya hindi niya talagang maiwasang mainis at uminit agad ang ulo.
Kaso eto namang si Kyungsoo eh akala niya na hindi siya naririnig ni Kai kaya tinawag niya ito ulit.
" Kai! " tawag ni Kyungsoo kay Kai.
At isang matalim na tingin lang ang binigay ni Kai.
" Ano?! " naiiritang response ni Kai kay Kyungsoo. Pero hindi nahalata ni Kyungsoo iyon.
Tss. Manhid -_-
Lumapit si Kyungsoo kay Kai dala dala ang laptop at pinakita nga kay Kai yung picture nung Jungkook.
" Eto pala si Jungkook no? Gwapo niya pala. Sa malayuan ko lang kasi yun nakikita. Ang cute pa sa picture na to pano pa kaya pag sa personal no? " sabi ni Kyungsoo na ikinainis naman ni Kai.