To dks1288, sensya na kung lame (para sa akin) I'll try my best pa!! Hope you like it!!!
( UNTIL ETERNITY )
" Channie~ bili mo ako ng eyeliner please >3< " sabi mo sa akin habang todo kapit ka sa braso ko.
Nandito tayo sa mall dahil sa niyaya mo ako. Sabi mo ililibre mo ako pero heto ngayon nakapout ka na parang bata na nanghihingi ng lollipop sa akin.
" Oo na Baekkie isa lang mamumulubi ako kapag madami " sabi ko sayo at totoo talaga ang sinabi ko. Buti na lang at may natira pa sa naipon kong pera.
Nawala ang pout mo at tumingala ka pa para makita mo ako. Ang liit mo talaga. Pero nagulat ako nang bigla mo akong hinalikan sa pisngi.
" Salamat Channie I love you talaga best! " tumango na lang ako sayo at hinayaan kitang mauna sa paglalakad. Hindi ko maitago na kinikilig ako, ang bakla ko talaga pag dating sayo.
Matutuwa pa sana ako lalo kung hindi bilang 'bestfriend' ang I love you mo sa akin.
***
Nakatayo ako ngayon sa harapan mo at may hawak hawak akong rosas kahit alam ko namang lalaki ka.
Valentines day kasi ngayon at binigyan tayo ng teacher natin ng isang rosas tapos ibibigay daw natin sa taong gusto natin. Kaya eto ako ngayon nakatayo sa harapan mo at lahat ng tao ay nakatingin lang sa ating dalawa. Kung bakit pa kasi kailangan isa isa muna ang magbibigay ako pa naman ang una.
" Byun Baek Hyun... G--gusto k-kita... " nakapikit kong sabi at nanginginig akong iabot sayo ang rosas. Tae kinakabahan talaga ako. First time ko lang kasi magconffess sa isang taong napupusuan ko. Sa bagay, ikaw lang naman ang unang taong minahal ko bukod sa pamilya ko.
Napadilat na lang ako nang maramdaman ko na hindi ko na pala hawak ang rosas. At nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pamumula ng tenga ko dahil sa nakayakap ka sa akin ng mahigpit habang umiiyak.
Syempre nataranta ako.
" Shit! Hala Baek bakit ka umiiyak? Dahil ba sa sinabi ko? Hindi ako nangloloko Baekhyun ikaw talaga ang mahal ko simula ng magkakilala tayo sa isang music shop nun nagandahan agad ako kahit na lalaki ka at kahit na hinampas mo pa ako ng bag nun. Yung pagiingay mo, pagtataray mo sa akin kahit na minsan sinasambunutan mo ako hindi ko alam pero lalo kitang minamahal higit pa sa isang kaibigan, higit pa sa isang bestfriend mo. Kaso ang torpe ko lang talaga at ngayon lang ako umamin sayo. "
Tumingala ka at nakita ko naman ang mga luha sa mukha mo at pinunasan ko iyon. Yayakapin din sana kita nang kumalas ka sa pagkakayakap mo sa akin at bigla mo akong hinampas sa dibdib. Nananantsing ka yata eh.
" BAKIT BA NGAYON KA LANG UMAMIN NA GUSTO MO RIN PALA AKO?! LECHE KA TALAGA! KUNG HINDI PA NAGPA-ACTIVITY NG GANITO SI SIR SIGURO HINDI KA PA AAMIN NO? PATORPE-TORPE KA PANG NALALAMAN DYAN EH MAHAL NA MAHAL NA MAHAL DIN N-- " sa sobrang tuwa ko na nalaman ko na mahal mo din pala ako ay nahalikan kita. Sensya na mahal lang talaga kita.