K A I S O O
" Do Kyung Soo... "
Hindi niya iyon inaasahan. Ang kaniyang malalaking mata ay mas lalo lumaki dahil sa pagkagulat. Hindi niya muna iyon pinansin at binaling na lang ang kaniyang atensiyon sa taong tumatawag sa kaniya.
" Oh bakit Jongin? May kailangan ka? " kahit na marami pa siyang gustong sabihin ay tinakpan niya muna ito nang kaniyang matatamis na ngiti. Na parang walang problema.
" Nothing. Gusto ko lang sana sabihin na pumunta ka daw mamaya sa practice room may practice daw kayo ni Ryeowook hyung. 3:00 pm. Sharp. Sige alis na ako. " at iniwan siya nito.
Napatula na lang si Kyungsoo at ang kaniyang mga ngiti ay napalitan ng luha.
' Nasaan na yung Hyung niya na lagi niyang tawag sa akin? '
Kahit ganun lamang ang dahilan ay hindi niya napigilang maluha. Sa 3 taong relasyon nila ni Jongin ay walang araw na tinatawag siya nito na 'Hyung' pwera ngayon.
Ilang araw nang ganito ang pakikitungo sa kaniya ni Jongin. Lalapit lang kapag may pinapasabi. Kakausapin lang siya pag oras ng trabaho at kapag nasa harap sila ng maraming tao. Kapag kakausapin niya ay bigla nitong sasabihin na may pupuntahan siya sabay alis. Noong una ay hinayaan niya muna ang kaniyang kasintahan at alam niya na may problema.
Hindi kaya nawala na ang pagmamahal ni Jongin sa kaniya?
Hindi kaya may mahal ng iba si Jongin?
Maraming tanong ang gusto niya na malaman ang sagot at isa lang ang paraan upang malaman ito...
Siguro ay kakausapin na lang niya ulit si Jongin. Pagkatapos ng practice.
--x
Pumasok si Kyungsoo sa loob ng practice room na hinayaan na bukas ang pinto. Nagtaka siya kung bakit walang tao roon bukod sa kaniya.
" Siguro ay wala pa si Ryeow-- "
" Kyungsoo. " Agad siya napalingon sa taong tumawag sa kaniya. Ngunit iba ito sa inaasahan niya.
Si Jongin ang nasa harap niya ngayon.
Si Jongin at siya. Silang dalawa lang.
Ngumiti ulit si Kyungsoo para ipakita na okay lang sa kaniya ang nangyayari kahit sa totoo ay hindi naman talaga.
" Oh! Jongin! Bakit ka nandito? Tsaka bakit wala pa si Ryeowook hyung? " tanong niya sa nakakabata ngunit wala siyang sagot na natanggap. Isang matalim na tingin lang ang binigay sa kaniya