K A I S O O (1)
"Brrr..." Lamig na lamig si Kyungsoo at isinara ang payong at pumasok na ng tuluyan sa dorm nila. Umulan pa kasi ng malakas mabuti na lang at may dala syang payong.
Galing kasi sya sa supermarket at namili ng mga pagkain naubusan na kasi sila ng stock at noboboring sya kanina pa. Kahit 1 dosena sila sa iisang dorm ay para lang daw syang magisa. Paano ba naman ang mga couples ay nasa kanya kanyang kwarto may business na ginagawa.
Eh paano naman sya? Loner? Umalis pa kasi ang Jongin niya may photoshoot daw. Akala nya ba We are one? Bakit ang Jongin lang niya ang may project na ganun?
Dumeretso sya agad sa kusina at doon nilagay ang mga pinamili niya. Tinanggal niya muna ang suot nyang sweater na basa at pinatong sa sandalan ng upuan. Inayos niya muna at inilagay sa tamang lagayan ang kanyang mga pinamili. Pagkatapos nun ay aakyat na sana sya kwarto nang makita nya na parang may taong nakahiga sa mahabang sofa sa sala nila.
Pinuntahan niya iyon at nakita nya ngang may taong nakataklob ng kumot ang buong katawan. 'Bakit hindi ko ito napansin kanina pagpasok ko?' tanong ni Kyungsoo sa kanyang sarili.
Tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa bandang may mukha at tinignan nya kung sino.
Yun pala ang anghel niya na payapang natutulog.
Si Jongin.
Napangiti sya at tila nawala ang lahat ng pagod niya sa byahe. Tinignan niyang mabuti ang taong mahal niya.
"Bakit ba ang gwapo mo? Ang dami tuloy mga babaeng nanghahabol sayo." ginala niya ang kanyang maga daliri sa mukha ni Jongin. Hinaplos niya ang malalambot nitong mga pisngi.
"Ang cute mo talaga!" sinusundot sundot niya ang pisngi ni Jongin. Buti na lang at hindi ito nagigising nangalay sya kaya umupo sya sa sahig at humarap sa may sofa at tinuloy ang pagtingin sa mukha ng natutulog na si Jongin.
Napatingin sya sa mga mapupulang labi ni Jongin. Pinaglaruan niya ang labi nito gamit ang kanyang mga daliri.
Sayang saya sya sa ginagawa niya ang lambot daw kasi ng mga labi ni Jongin. Nagulat na lang sya ng bigla itong isubo ni Jongin. Kasabay nito ang dahan dahang pgmulat ng mga mata nito.
"Jongin!" agad namang inalis ni Kyungsoo ang daliri niya sa bibig ni Jongin. Sobrang pula na ng mukha niya buti na lang at hindi gaano kaliwanag ang sala dahil gabi na.
Ngumiti ng nakakaloko si Jongin.
"Ang gwapo ko no?" hinampas naman ni Kyungsoo ang braso ni Jongin at tumayo na akmang aalis na ng hinila sya pabalik ni Jongin at nagresulta ng pagkatumba nya sa ibabaw ni Jongin.
"KAI!" napalakas konti ang boses ni Kyungsoo. Pilit niya paring makaalis sa ibabaw ni Jongin pero niyakap sya ni Jongin sa may baywang nya at ipinulupot pa nito ang binti niya sa katawan niya upang masigurado na hindi talaga sya makakaalis.
"sshh. Don't call me Kai. Jongin. Call me Jongin." ramdam na ni Kyungsoo ang hininga ni Jongin.
Napatakip naman ng ilong si Kyungsoo. "Jongin naman nagtoothbrush ka ba?" pagloloko ni Kyungsoo na ikinasimangot ni Jongin.
"Hyung naman eh your ruining the moment!" at inialis na ni Jongin ang yakap at pagkapulupot ng mga binti niya sa katawan ni Kyungsoo.
"Alis." nagtatampong sabi ni Jongin pero hindi pa rin umalis si Kyungsoo sa ibabaw ni Jongin sa halip ay inihiga nito ang ulo niya sa bandang dibdib ni Jongin.
"ito naman joke lang eh!" tumingin ulit si Kyungsoo kay Jongin at hinalikan niya ito ng mabilis sa labi. Upang makabawi siya sa ginawa niya.
"hmmm! Ang sarap! Isa pa nga!" hinalikan ulit ni Kyungsoo si Jongin hanggang sa naging torrid ito.
Niyakap ulit ni Jongin si Kyungsoo sa may waist nito at si Kyungsoo naman ay nakahawak sa mga pisngi ni Jongin. Nageespadan lang sila hanggang sa tumigil na si Kyungsoo dahil hindi na sya makahinga.
"Namiss kita Jongin." nakangiting sabi ni Kyungsoo kay Jongin.
"Namiss rin kita hyung. Isa pa nga!"
"Ihhh tama na! Matulog na tayo." at nanatili pa ring nasa ibabaw si Kyungsoo at hinihiga ulit ang ulo nito sa may bandang dibdib ni Jongin.
Mga ilang sandali pa.
"Hyung ang bigat mo." agad namang umalis si Kyungsoo sa ibabaw ni Jongin at humiga sa tabi nito may kalakihan kasi ang sofa nila.
"Oh ayan na sir. Baka kasalanan ko pa kung mamatay ka. Kaya tulog na tayo." at ipinikit na ni Kyungsoo ang mga mata niya. Napangiti na lang sya ng bahagya ng maramdaman niyang yakap yakap sya ni Jongin at para bang ayaw nito na mawala sya sa tabi niya.
"I love you Jongin."
"I love you too Hyung."
----Ikina-umagahan---
"AY JONGINA DITO PA TONG DALAWA NA TO NAGYAKAPAN SA SOFA HINDI TULOY AKO MAKAUPO!!!" stress na stress na sigaw ni Baekhyun na nagpagising sa dalawa.
" peace?! ^___^ v "