"Tapos ka na sa assignment na'tin?"
Mukhang nagulat pa si Carmel nang magsalita ako mula sa likod niya. Tumango naman siya at agad na ngumisi. "Hindi ka pa tapos?"
I rolled my eyes at her. Ang talino kasi niya. Last last last year pa kami magkakilala ni Carmel pero isa na siya sa mga ka-close ko. Ang sarap niyang kasama tsaka mahilig siya sa math. Nangongopya ako minsan pag hindi ako sure sa mga sagot ko. "Tapos na. Hindi nga lang ako sure kung sakto ba ang mga sagot ko." Pasalampak akong naupo sa upuan ko sa tabi niya.
"Hindi din kita maintindihan minsan eh, extra class mo lang naman ang subject na 'to. Wag mo masyadong seryosohin. Baka mas malaki pa ang grade mo keysa sa'min."
"As if."
Natawa pa siya sa sagot ko. Kaklase ko si Carmel sa isang subject lamang. Hindi kami pareho ng kurso pero dahil gusto ko ng extra classes, pumapasok ako sa ibang subjects kung okay lang sa prof. Binibigyan din naman nila ako ng grades kahit okay lang kung wala. Gusto ko lang talagang may extra-class kahit hindi naman kailangan. Gusto ko lang palagi akong may pinagkakaabalan at gusto kong palaging nag-aaral. Ewan ko ba sa sarili ko. Nasanay siguro ako.
Napapagod din naman ako kakaaral but when I think that its always for my own good, mawawala din naman ang pagod ko.
Kinuha ko ang phone ko at agad na nagsalubong ang tingin ko nang may text galing sa isang unknown number. Hindi naman ako namimigay ng number sa kahit kanino dahil uso naman ang chat. Pwede namang magchat kung may kailangan kaya hindi ko maisip kung sino ang nagbigay ng number ko.
Pagkatapos ng klase ko sa subject na 'to, umalis na ako kaagad at nagpaalam kay Carmel na pupunta na sa klase ko. Pagkapasok ko sa room ay wala pa ang guro kaya tiningnan ko muna ang cellphone ko at binasa ang text doon.
"Are u at school?"
Ay jejemon ang gago. Binasura ko ang text niya at nagbasa nalang ng libro. Wala naman kaming exam pero gusto ko may advance knowledge ako. I'm not born smart kaya nagsisipag akong mag-aral. Sabi nila wala daw taong matalino o bobo pero may mga tao talagang kahit surprise question ay may isasagot. Ako 'yong klase ng taong sinasabi nilang matalino dahil masipag. Hindi 'yong matalino talaga kahit hindi nag-aaral. Ayokong namang mapapahiya ako kapag tinatawag ako ng guro tas wala akong masagot.
Okay lang naman kung wala pero siguro hindi ako sanay na walang masagot kaya nahihiya ako. Wala namang paki mga classmates ko kung makasagot man ako o hindi pero para sa'kin big deal 'yon.
Hindi ako loner dahil may mga friends naman ako pero hindi kami magkaklase. Magkaiba ang kurso namin kaya no choice. Minsan ayoko din makipag-usap sa mga kaklase ko dahil puro gala ang inaatupag.
Kahit college na ako ay mahigpit pa din sa'kin si Mama, except kong nasa bahay kami o sila Tamara ang kasama ko. Maaga kasi siyang nabuntis at ayaw niyang matulad ako sa kanya. Minsan nga ay napagkakamalan kaming magkapatid ni Mama dahil medyo bata pa si Mama tsaka maliit. Medyo mataas pa nga ako sa kanya kung hindi lang siya nagsusuot ng heels.
Nagbabasa lang ako hanggang dumating ang guro namin at may lalaking nakasunod sa kanya. He's not tall for a boys standard height but he's tall for a girl. He's wearing a green shirt and black shorts with Nike shoes. Medyo maputi siya at singkit ang mata. Medyo masungit ang dating niya dahil sa kilay niyang mukhang nakataas ang dulo pero gwapo naman. Is he a transferee? Bakit kaya hindi siya naka-uniform?
We greeted the teacher and she motioned us to sit down.
"Good Morning class. This is Clint." She then looked at Clint. "He will be with us during this class because it has something to do with his course. Please sit down."
YOU ARE READING
Kriiingg!
Teen FictionOnomatopoeia Series #2 Ladiely Formentera only knows how to study. She's living all her life being on top. She values her reputation so much until she met Clint Monzolin, the man who protects her in any ways that he can. Genre: Teen Fiction Status:...