"Hindi papasok ang teacher ngayon. Sa susunod na daw ang quiz!!"
Masayang bungad sa'min nong Presidente sa klase. The hell?! Todo aral pa naman ako kagabi tas wala lang palang quiz. Humiyaw naman ang mga kaklase ko. Sobrang saya ata nila.
Magbabasa sana ako nang naisipan kong e text si Clint.
To: Kumag
Gala tayo
Matagal pa bago siya nakapagreply kaya kinuha ko ang libro ko at nagbasa nalang. Two hours kasi ang klase namin sa subject na 'yon. Wala naman akong pwedeng pasukang klase dahil palagi akong occupied sa oras na 'to.
Kinuha ko ang phone ko nang sunod-sunod na magvibrate 'yon.
From: Kumag
seryoso?!
From: Kumag
may klase pako :(
From Kumag:
wait lang, magka cut ako!
Natawa ako sa mga reply niya. Sarap pagtripan ah. Nahahawa na ata ako asa kanya.
To: Kumag
de jk lang. Wag kana mag cut
Pumunta ako sa garden at magbabasa sana nang nakita ko 'yong kasamang babae ni Clint sa mall. May mga kasama siyang dalawang babae at pare-pareho sila ng uniform. Umiwas ako ng tingin para hindi nila ako mapansin pero huli na ata dahil sabay-sabay silang pumunta sa direksiyon ko.
"Akala ko ba, matalino ka Ladiely?" Tanong sa'kin ng isa. Hindi ko na din matandaan mga pangalan nila. I wonder kung ganoon ba ako ka importanteng tao dahil nakikilala pa din nila ako. "Ang tunay na matalino hindi nag-aaral."
"Nakalimutan mo na ba Eya? Hindi siya matalino. Binayaran lang ng Mama niya 'yong guro para maging honor student siya." Sabi naman ng isa kaya napayuko ako.
Gusto ko silang sumbatan na hindi totoo 'yon pero wala namang magbabago. Kung ano nasa isip nila, 'yon na talaga ang tama. Hindi naman sila nakikinig sa sasabihin ko.
Nagulat ako nang biglang mapasigaw ang isa sa kanila. Napalingon ako sa kanya at agad na nanlaki ang mata.
"Jewel stop it!" Natatarantang sabi ko sabay hila kay Jewel dahil sinabunutan niya 'yong isang babae.
"Kapag may narinig pa akong masasamang salita galing sa'yo, ipapakulong talaga kitang babae ka!" Galit na sabi ni Jewel.
Mabuti nalang at walang masyadong estudyante dahil oras pa naman ng klase.
"Kala mo matalino ka? Ba't ka nag HRM kung ganun? Pang bobo kurso mo! Baka ikaw nagbayad sa mga prof dito para tanggapin lang ang mababang marka mo!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. That's out of line! "Jewel please stop."
"Wow kala mo talino niyong mga MassComm ah!" Sarkastikong sabi ni Eya.
"Oo matalino kami, gusto mo isampal ko pa sayo flat one ko eh. Palibhasa ang bobo mo! Ba't di ka bumalik pagiging kinder ha?!"
They mocked Jewel words bago umalis. Napahawak naman ako sa sentido ko saka naupo ulit. Binigyan ko ng tubig si Jewel para kumalma siya.
"Palagi ka bang ginaganun nila?" Tanong niya na mukhang may galit sakin at ibinigay ulit sa'kin ang lalagyan ng tubig ko.
"Ngayon lang naman." Sagot ko at isinauli 'yon sa bag ko.
"Ba't ba kasi hindi ka nagsalita? Alam mo namang hindi totoo sinasabi nila!" Inis niya sabi sa'kin kaya napayuko nalang ako. Ilang beses ko din naman nagawa 'yon pero sadyang close-minded sila.
YOU ARE READING
Kriiingg!
Teen FictionOnomatopoeia Series #2 Ladiely Formentera only knows how to study. She's living all her life being on top. She values her reputation so much until she met Clint Monzolin, the man who protects her in any ways that he can. Genre: Teen Fiction Status:...