"Talo ka?"
Pambungad ko kay Clint nang umupo siya sa tabi ko. Nanonood ako ng laro ni Carmel ng volleyball. Ngayon lang ulit siya naglaro dahil last time hindi siya sumali.
"Wow, ang sweet mo talaga." He sarcastically said. May sinalihan kasi siyang contest pero hindi naman ako pwedeng manood kaya dito nalang ako.
Hindi ako sporty na tao at wala akong masyadong alam pagdating sa sports pero basta, nae-enjoy ko lang 'yong sigawan ng mga tao pag may nag spike. Tsaka na e-excite ako pag sobrang challenge na ng laro.
Tinawanan ko si Clint. "Ako pa."
"Kain tayo pagkatapos ng laro." Sabi niya at inilagay ang ulo sa balikat ko. "Nagutom ako sa contest."
"Sure ka? Pwede naman ngayon na." Tanong ko pero nasa laro ang mata ko.
"Mamaya na lang. Enjoy mo muna ang game."
Nagkibit-balikat ako at itinuon ang mata sa naglalaro. After the second set ay may third set pa kaya niyaya ko nalang si Clint na umalis na kami. Pero bago pa ako makatayo ay nanlaki ang mata ko sa gulat nang nakita ko si Kevin na pinupunasan ang likod ni Carmel! The f*ck?! Walang reaksiyon sa mukha ni Carmel pero medyo namumula siya. Pasimple kong kinuha ang phone ko at pinicturan sila. Mamaya ka sa'kin Carmel haha!
May konting pahinga sina Carmel kaya pinuntahan ko siya habang hatak-hatak si Clint.
Ngumisi ako kay Carmel at tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Ano 'yon?" I teased her, ako na naman ngayon ang nang-aasar ah. She smiled and waved her hands.
"Wala 'yon. Sasabihan kita 'pag ano.. basta ganun."
Sabay kaming natawa sa sinabi niya at nag-apir pa. Saka ko lang naalala si Clint sa likod ko.
"Si Clint, boyfriend ko."
Ngumiti si Clint at nag-offer ng kamay niya. Tinanggap naman 'yon ni Carmel.
"Wag mong sasaktan ni Led ah, patay ka talaga sa'kin." Carmel teased and laugh.
"Duly noted Ma'am." Sagot naman ni Clint at sumaludo pa. Kinurot ko tuloy siya sa tagiliran niya.
"Lee! Balik dito!"
Sabay kaming napalingon nang tinawag na si Carmel at dali-daling nagpaalam sa'min.
Inaya ko si Clint palabas ng school. Pero bago pa kami makalabas ay mga mga food stalls na nakahanay sa mga hallway kaya naisipan kong don nalang bumili.
Inaya din ako ni Clint don. Mga HRM students ang mga nagtitinda non from first year to fourth year. Marami siyang binili habang hila-hila ako. Nakita ko pang nakangisi si Allen sa'min. Pinakyu lang siya ni Clint.
"Bili na kayo Ma'am, Sir, masasarap mga pagkain na'min dito."
"Tang*na Allen para kang tanga." Napalingon ako kay Clint nang magmura siya. Akala ko galit siya pero tumawa naman pala.
"Ikaw Ma'am may gusto ka ba?" Tanong sa'kin ni Allen at ngumisi pa.
Agad naman akong inakbayan ni Clint. "Wala diyan ang gusto niya bro, nandito oh." Sabi niya at tinuro pa ang sarili niya. Namula ang buong mukha ko kaya nag-apir silang dalawa ni Allen. Umiling nalang ako.
Pumunta kami sa classroom ko pagkatapos naming bumili or more like siya lang ang bumili. Busog kasi ako at wala akong ganang kumain.
"Nanalo---"
"Sorry. May gustong magpakasal sayo." Sabi ng isang babae at lalaki--it was Lloyd, kay Clint. Tinalian siya nito ng yarn at agad na hinila.
"Magbabayad ako please, ayokong makasal sa iba. Wooy please lang magagalit jowa ko oy!" Sigaw ni Clint.
YOU ARE READING
Kriiingg!
Teen FictionOnomatopoeia Series #2 Ladiely Formentera only knows how to study. She's living all her life being on top. She values her reputation so much until she met Clint Monzolin, the man who protects her in any ways that he can. Genre: Teen Fiction Status:...