"Anong oras kaya siya uuwi?"
Tanong ko sarili ko. Nandito ako ngayon sa condo niya at nagluluto. Kahit hindi ako marunong ay sinubukan ko pa din. I just want to surprise him even though it's my birthday. I just want to spend it with him kahit hindi niya alam.
Nang dumating siya ay nagulat siya nang nandon ako. Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang siya ngumiti pabalik.
"Kain tayo." I said and tried to smile. Hinila ko siya papunta sa table kahit walang reaksiyon ang mukha niya.
Binigyan ko siya ng utensils at nilagyan ng kanin ang plato niya. I also tried designing the plates pero hindi kasing ganda ng design niya.
Palagi na lang kasi na siya ang naghahanda ng pagkain naming and this time ako naman. I did try my best in preparing all the dishes. Nagsearch pa ako sa YouTube kung pano lutuin ang iba.
"Alam mo ba kung anong meron ngayon?" I asked him and tried to be casual kahit kabang-kaba ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan.
Hindi siya nagsalita at hindi din siya kumain.
Nang matapos akong kumain ay tumayo ako at inilagay ang plato ko sa lababo.
"Led tama na... Nakakapagod na. Ang sakit sakit na."
Napalingon ako sa kanya nang bigla siyang umiyak at malakas na binitawan ang kutsara.
"Huh? May..may nangyari ba? May ginawa ba akong mali?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na kung saan patungo ang usapang 'to.
"Napapagod na 'ko Led. Pagod na pagod na ako."
"A...ano..ano..bakit?" Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil sa kaba. "Magpahinga---"
"Umalis ka na muna." He said and tried to wipe his tears.
"No---"
"Alis!"
Nanginig ang kamay ko dahil sa sigaw niya. Hindi lang ang kamay ko kundi buong pagkatao ko. Kahit kailan ay hindi ko naranasang sigawan ako.
"Clint..pag-usapan naman natin to oh. Please?" I begged.
"Gusto ko ng magpahinga. Umalis ka na." Napalunok ako sa sobrang lamig ng boses niya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla siyang nagkaganito. Gusto ko na din maiyak sa mga pinanggagagawa niya.
"Sige. Huhugasan ko muna 'to. Magpahinga ka na." Sinubukan ko paring ngumiti sa kanya pero tinitigan niya lang ako at may tumulong luha sa mata niya.
Lumapit ako sa kanya at sinubukang pahirin ang luha niya pero umiwas siya. Nabitin sa ere ang kamay ko. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"Let's break up."
Nagulantang ang buo kong pagkatao sa sinabi niya. "W..what? Clint wag ka naman magbiro ng ganyan." I laughed nervously pero nahinto iyon dahil sa lamig ng titig niya.
"Let's break up please. Napapagod na 'ko Led. Sobrang nakakapagod na. Kaya please, pakawalan mo na ako.." Pumiyok ang boses niya at may tumulong luha na naman sa mata niya.
"May kasalanan---"
"Wala kang kasalanan. Napagod na lang talaga ako."
Kinuyom ko ang kamao ko at tinago sa likod na parang doon ako kumukuha ng lakas. I bit my lip so hard because I'm trembling.
"Iyon lang ba ang rason? Pwede pa naman---"
"Can't you understand me?!"
Napaatras ako sa biglaang pagsigaw niya.
YOU ARE READING
Kriiingg!
Teen FictionOnomatopoeia Series #2 Ladiely Formentera only knows how to study. She's living all her life being on top. She values her reputation so much until she met Clint Monzolin, the man who protects her in any ways that he can. Genre: Teen Fiction Status:...