"Crush na crush ka ata 'nong kaklase mo Led."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jewel. Nandito kami ngayon sa cafeteria at himalang nagkasabay kumain. Magkaiba kasi ang schedule namin kaya kahit nasa iisang school kami ay pahirapan pa din kaming magkita. Sa laki ba naman ng school na 'to. Pero nagchat-chat naman kami, hindi nga lang ako active.
"Ipagsigawan ba naman sa school na crush niya si Led." Dugtong naman ni Ann at sabay silang tumawa.
Hindi ko alam ang pinagsasabi nila until it hit me! Tf?! They were talking about what Clint did last time. Gago talaga.
"Bilis makakalap ng balita ah." Sagot ko nalang. Alam kung walang kwenta makipag-away sa kanila. Ang hilig nilang mang-asar eh.
"I'm not a MassComm for nothing." Proud pang sagot ni Jewel. 'Yon talaga famous line nya eh, pag pinupuri siya about sa pagiging chismosa niya.
"Ikaw Ann MassComm ka na din ba?"
"Hindi no! Nahawa lang talaga ako sa pagiging chismosa ni Jewel." Sagot niya saka sipsip don sa milktea niya.
"Ba't ang hilig niyo pala sa singkit? Cousin's goals ba 'yan?" Singit ni Jewel. Akala ko tapos na kami sa usapang 'yon.
Sabay naman kaming napairap ni Tammy. Singkit din kasi si Lloyd pero mas singkit si Clint.
"Izzy!" Biglang sigaw ni Jewel.
Napalingon din ako kung nasaan si Izzy. May kasama siyang dalawang babae at pamilyar sa'kin 'yong isa--- 'yong kausap ni Clint nong nakaraan.
Lumingon sa direksiyon namin si Izzy at agad na ngumiti at pumunta sa direksiyon namin.
"Walang paramdam ah." Bungad ni Jewel.
"Busy ako." Umirap naman si Izzy at umupo sa tabi ni Jewel at kumuha ng pagkain.
"Kakagala?"
Pasimpleng kinurot ni Izzy si Jewel pero tumawa lang ito.
"Wala kang klase Led?" Tanong nito sa'kin. Hindi paman ako nakasagot ay nagtanong na din siya sa iba. "Musta bebe mo Tammy?" Tas tumingin siya kay Katty. "Katt ang bait mo din eh no?" At tinaasan niya ng kilay si Ann. "Nasan si Kyle? Hinahanap ni Hazel. Tsaka kumusta kayo nong katext mo?"
Sa bilis niya magsalita ay si Ann lang ang sumagot sa kanya.
"Wala akong katext."
Napakunot naman ang noo ni Izzy. "Huh? Pa'no 'yong---"
"Nagchange ako ng number at hindi na kita bibigyan. Kung sino-sino binibigyan mo eh." Ann said and glared at Izzy pero tumawa lang si Izzy.
"Wala kasing fun buhay mo, kaya binigyan kita---"
"Who says my life's no fun? I have my laptop, car and---"
"Oo na ikaw na mayaman." Sabi ni Izzy at kumuha ng fries kay Jewel.
Nauna din akong umalis pagkatapos kong kumain dahil pupunta pa ako sa office ng isa kong teacher.
Wala akong pasok ngayong hapon kaya naisipan kong pumunta sa Mall. Ngayon lang ulit ako gagala. Uuwi din naman ako kaagad kasi may exam bukas. Kelangan ko mag-aral. Tinext ko muna si Mama kung okay lang ba.
"Be careful anak, uwi ka agad."
Napangiti ako sa reply ni Mama saka ibinulsa ang phone ko. Umupo muna ako sa isang tabi at naghintay ng masasakyan. Mamaya nalang ako papasundo. Napansin kong naglalakad sina Clint papasok siguro sa school at may kasama siyang dalawang lalaki. Yumuko ako para hindi niya ako makita.
YOU ARE READING
Kriiingg!
Teen FictionOnomatopoeia Series #2 Ladiely Formentera only knows how to study. She's living all her life being on top. She values her reputation so much until she met Clint Monzolin, the man who protects her in any ways that he can. Genre: Teen Fiction Status:...