"May bibilhin ka pa ba?"
Umiling naman ako sa tanong ni Clint. Namimili kami ngayon ng mga pasalubong. Mas madami ang nabili ko dahil dinalhan ko sina Mama tsaka mga kapatid ko. Nagdala din ako para sa friends ko. Siya para sa Mama niya at mga kapatid daw ni Allen ang binili niya. Sa'n kaya Papa niya?
"Daddy mo hindi mo bibilhan?" Tanong ko sa kanya nang naglalakad na kami.
"Hindi naman mahilig si Daddy sa mga ganito."
Pagkatapos naming mamili ay naglakad na kami pabalik sa room namin.
"Let's take a selfie." Sabi niya at kinuha ang phone niya. Nagsmile naman ako kaagad don. Mas sanay ako sa selfie.
"Picturan kita don." Sabi ko at kinuha ang phone ko. Tumakbo naman kaagad siya at agad nagpose. May mga tao pang napapatingin dahil sa kanya. "Let's go."
Nakangisi siyang bumalik sakin. "Selos ka?"
"Asa ka." Sagot ko't umirap.
"Wait, ikaw naman picturan ko."
"Ayoko nga." Sabi ko at naglakad na pero pinilit niya padin ako. F*ck!
Akala niya siguro nagselos ako kaya pinilit niya ako but the real problem is I don't know how to pose. Tatayo ba ako?
Nakatayo lang talaga ako don at hindi ngumiti kaya natawa siya sa mukha ko. Hindi na niya ako napilit at naglakad na.
Ngayon ang plano naming umuwi dahil enrollment na bukas para sa second semester, para daw makapagpahinga ako. Kumain muna kami bago umuwi.
"Tulog ka muna." Sabi niya at tumingin pa sa'kin. Sa totoo lang gusto kong matulog talaga pero ang kapal na siguro ng mukha ko 'pag ginawa ko 'yon. Ang pagkausap sa kanya habang nasa biyahe ang tanging magagawa ko dahil hindi naman ako marunong mag drive.
"Wag na." Sagot ko at pinakialaman ang speaker niya.
Araw-araw kita love
Dati ayaw ko gawin lahat
Pero ngayon dahil sayo hindi na'ko tamad
Kahit na anong iutos mo tinutupad
Sunod agad kasi 'yong kapalit kikiss mo sabay hug
"Wow bagay na bagay sa'yo ang kanta ah." Sabi ko sabay tawa sa kanya.
Ngumiti naman siya. "'Yan nga palagi kong kinakanta nong inaayos ko pa si Lalaine. Ang tagal mo kaya akong hindi kinakausap." He said and pouted.
Laging bumibili ng pabangong matapang
Kagaya ko na sa lahat handa kang ipaglaban
Ikaw ang dahilan kaya ko nagawa 'yan
Ang daming nagbago sa'kin ng hindi ko namamalayan
Mas lalo kaming natawa dahil sa lyrics ng kanta. Maya-maya pa'y sumabay na din si Clint sa pagkanta. I wanted to sing too but I don't know the lyrics kaya hinahayaan ko nalang siya. Tatanungin ko siguro siya kung anong title nito. Clint's not a good singer pero pwede na.
Kahit di ako macho
Ito ang tandaan mo
Dika pwedeng bastusin pag magkasama tayo
Hindi ako papayag mahipuan ka sa kanto
Hay nako makikipagsapukan talaga ko
And that's what we did until we got home. Sing, eat, and talk. A simple way of spending time with him.
Pagkauwi ko ay agad akong nag-ayos ng gamit at mga pasalubong. Inayos ko na din ang mga papers na kailangan ko para sa enrollment bukas.
YOU ARE READING
Kriiingg!
Teen FictionOnomatopoeia Series #2 Ladiely Formentera only knows how to study. She's living all her life being on top. She values her reputation so much until she met Clint Monzolin, the man who protects her in any ways that he can. Genre: Teen Fiction Status:...