"Tagal maligo ah, may pinapabanguhan?" Nakataas-kilay na tanong ni Carmel sa'kin at napalingon naman si Mama.
Nandito siya ngayon sa'min dahil uuwi daw siya bukas sa probinsya nila at don magpapasko. Binisita niya si Mama dahil namiss daw niya.
"Ewan ko sayo." Sagot at umupo sa tapat niya. Natawa naman silang dalawa ni Mama.
"Tagal mo ding hindi naka bisita Carmz diba?" Tanong ni Mama habang nagluluto. Carmz ang tawag niya kay Carmel.
"Busy po Tita, sumali po ako sa volleyball eh."
Napatango naman si Mama. Speaking of volleyball, kinuha ko ang phone ko at tiningnan iyong picture na kinuha ko noon, sana lang at hindi ko nadelete. Napangisi ako at ipinakita 'yon kay Carmel. "Kayo ba?"
Namula ang buong mukha ni Carmel sa sinabi ko. Ipinakita ko 'yon kay Mama at agad namang natawa si Mama.
"Is it Kevin?"
"Yes Ma." Sagot at napakunot naman ang noo ni Carmel.
"Kilala mo siya Tita?"
Tumango si Mama. "Anak siya ng isang business partner ng Papa ni Led. Anong meron sa inyo?"
Namula ang buong mukha ni Carmel pero agad din namang nagkwento. Sanay kaming magkwentuhan tatlo eh. Parang kaedad lang namin si Mama.
Pagkatapos non ay nagpaalam kami kay Mama na pupunta kami sa condo ni Tamara. Dinala ko din si Carmel kasi may itatanong daw si Tammy.
Nang makarating don ay kompleto kaming lahat. Nagvideo call din kami with Hazel. Pinakilala ko si Carmel sa kanila at agad naman siyang niyaya ni Tammy sa kwarto't may pinag-uusapan.
"May jowa na si Ann guyses." Sabi ni Jewel at ngumisi, nagsimula na naman mang-asar.
"Talaga? Sino?" Tanong ni Katty na kakarating lang din.
Umirap naman si Ann. "Wala nga akong jowa, boba ka Jewel."
Natawa kaming lahat sa komento niya. Ann is too focused on racing and computers kaya mahirap din paniwalaan na mag-eentertain siya ng boys. But who knows? Ako nga nadala pa kay Clint ts.
Nagkwentuhan lang kaming lahat bago ko naisipang pumunta sa condo ni Clint. Umuwi na din si Carmel at hinatid siya ni Izzy. Sa makalawa pa ang Pasko pero pupunta sina Clint sa ibang bansa kaya ngayon nalang kami magcecelebrate.
May spare key ako ng condo niya kaya tuloy-tuloy lang akong pumasok.
"Hoy." Bati ko sa kanya. Nanonood siya ng tv habang may kinakain.
"Parang 'di mo ako jowa ah." Sabi niya at tinapik ang tabi niya. "Upo ka dito."
"Boss ba kita?"
Sinamaan niya ako ng tingin kaya umupo ako agad. Natawa naman siya. "How's your day with your friends?"
"Okay naman. Nanonood lang kami ng movie tsaka kain." Sabi ko at sinubuan niya ako ng icing pero tumanggi ako. "Kakakain ko lang."
Siya nalang kumain non tsaka niyaya ako sa kwarto niya pero hindi ako pumasok. Baka ano pang mangyari don. Hindi naman sa nag-eexpect ako pero advance lang talaga akong mag-isip.
Nang makabalik siya ay may dala-dala siyang isang paper bag. "Merry Christmas babe." He said and kissed me on the cheeks.
"Thank you." I said and set aside the gift at binigay din ang regalo ko sa kanya. "Let's open the gift together."
Tumango siya at nagbilang. "1..2..3.."
I opened my gift and it was a pair of shoes. Its color is white but the design is unique. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang sapatos. Niyakap ko siya sa sobrang saya. "Salamat."
YOU ARE READING
Kriiingg!
Teen FictionOnomatopoeia Series #2 Ladiely Formentera only knows how to study. She's living all her life being on top. She values her reputation so much until she met Clint Monzolin, the man who protects her in any ways that he can. Genre: Teen Fiction Status:...