0

36 0 0
                                    

April 201X

Siguro mas mabuti kung tama na. Ayoko na. Pagod na ako.

Sinabi mo saking mahal mo ko, pinaniwalaan ko yun, oo. Pero kung ganito namang patuloy lang akong nababalewala, mabuti pang itigil na natin to. Assumera man akong tingnan ngayon kasi hindi ko naman nilinaw talaga kung anong meron tayo. Atleast, nililinaw ko kung ano yung gusto kong iparating sayo. Hindi ko na alam kung ano ba ako sa'yo. Kung may halaga pa ba ako sa'yo. Mali ba? Mali ba ang i-assume na may tayo? Gayong sinabihan mo naman akong mahal mo ako, at ganun din naman ang pinaalam ko sa'yo. Na mahal din kita. Nitong nakaraan nga hindi na kita nakakausap, ni text, ni chat, wala. Gusto ko lang naman malaman ang mga kaganapan sa'yo. Yun bang alam ko kung nasan ka, kung anong ginagawa mo. And how i wish ganun ka rin sa akin. Mali bang hingin ko sa yo yun?

Paanong nababalewala ako? I texted you, 'I miss you.' Pero wala akong nakuhang reply. Napapahiya na ako sa sarili ko sa tuwing ako ang magii-initiate ng conversation tapos wala naman akong matatanggap na reply.

The time na napasok sa usapan yung 'may something tayo' and your reaction seems ... uhm kakaiba. And then I asked you, "bakit, wala bang something sa atin?" Anong sagot mo? "Nc" Ouch, bii. Ouch. Masakit, oo. Kasi you are UNSURE. Then it means, wala naman talagang something sa atin. Haha. Ano kaya yun, nag assume pala ako. Ang pathetic ko.
Dun palang, naisip ko nang, tama na. Masyado na akong nasasaktan. Masyado na akong nate-take for granted. Yun bang, oo, andito lang ako at alam mong hindi ko kayang iwan ka. Sabi mo pa nga diba? Na hindi kita kayang basted-in. Nagiging option lang ako. Ni hindi mo nga ako naaalala. Well, naaalala mo nga ba ako? Or sa tuwing magt-txt ako, saka mo lang maiisip or maaalalang nag eexist pa nga pala ako?

Naisip ko nga, nung sinabi mong alam mong nag eexist pa ako sa mundo. How would you know? Ni hindi mo nga ako chinecheck. Kung kamusta na ba ako? Kung anong ginagawa ko? Yung mga ganun. Kasi sa tingin ko ako lang yung nahihirapan. Palagi na lang akong napapaisip, naiisip mo rin kaya ako?

Kaya minabuti kong pag isipan ito. Kung gusto ko pa bang ipagpatuloy ang parating ako yung nag iisip. Yung parating mare realize ko na lang na ikaw na naman ang iniisip ko. Ang masakit, to think na ni hindi mo naman ako naiisip.

You told me na special ako sa'yo. Well, to tell you the truth, ni hindi ko maramdaman yun. You, yourself. Ikaw na sa ating dalawa ay mas marami ang karanasan pagdating sa mga relationships ang dapat mas nakakaalam kung paano maipaparamdam sa isang tao kung gano siya kaespesyal. Taken for granted na ako. Napapagod na akong ako ang nauunang mag reach out, tapos wala pa akong makukuhang sagot or response.

Naiisip ko rin minsan, kung ako kaya ang mag letgo, ang mag give up. Pipigilan mo kaya ako? I mean, assuming na sa totoong nararamdaman mo, ayaw mong iwan kita. Hihingin mo kaya sa akin ang bagay na yun, ang SECOND CHANCE? Kagaya ng ginawa ko wag ka lang mawala sa akin? Kagaya ng ginawa kong pag intindi sayo para lang manatiling may 'tayo' ? Gawin mo kaya yun? Para lang, ako naman ang hindi mawala sa'yo? Kasi sa totoo lang, matutuwa ako kung OO. Matutuwa ako kasi malalaman kong may halaga ako sa'yo.

Pero bakit ganun? Ang sakit isipin na hindi mo gagawin yun? Paano ko nasabi? Sa pagkakakilala ko sa'yo, hindi mo ipinaglalaban ang gusto mo lalo na pagdating sa mga ganitong bagay. Palagi ka kasing 'Kung ayaw, ay di h'wag'
Mali. Dapat kahit minsan, ipaglaban mo rin yung gusto mo. Kung ayaw mong may mawala sa'yo, do something! Gawan mo ng paraan wag lang mawala sayo. Question: (pathetic questions)
-HAHAYAAN MO BANG MAWALA AKO SA'YO?
-NAREALIZE MO BA ANG HALAGA KO?

Minsan, may mga bagay na kahit malapit nang mawala, napipigilan. Just do the right thing.

Masyado nang mahaba ang nasabi ko. Baka nga, hindi mo na maalala yung pauna kong sinabi. Balikan mo na lang at intindihin. Gusto kong malaman LAHAT ng sagot mo sa mga naging tanong ko. As in, LAHAT.

Hanggang dito na lang. Hihintayin ko ang MGA SAGOT mo. At ang desisyon mo, dalawa lang yan.

Either you want to keep me or let me go.

Salamat sa oras na ibinigay mo sa pagbabasa nito.

Patuloy na nagmamahal,
Ahn.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon