4

15 0 0
                                    

May 16, 201X

Ano na naman ba? Oo, ikaw at ikaw pa rin. Pero bakit?

Hindi na kita muli pang nilapitan. Ilang beses ko man marinig na palihim mo akong tinatawag. Hindi ko alam kung mag aassume ba naman ba ako na ikaw nga ba talaga ang may kailangan sa akin, kung iisipin ko ba na sa wakas, narealize mo ring may halaga ako sa'yo. Na sa wakas ay sasabihin mo sa aking "Mag-usap tayo. Ayusin natin ito."

Pero, hanggang kailan? Hanggang kailan ako maghihintay na ako naman ang tawagin mo? Na ako naman ang hanap-hanapin mo?

Sa bawat araw na nagkikita tayo, hinihiling ko na sana, sana kausapin mo na ako. Sana, sana pagtuunan mo naman ako ng pansin.

Halos pagurin ko na ang sarili ko sa dinami raming gawaing kailangan matapos. Halos ipamukha ko na sa'yo na napapagod na ang buong pagkatao ko. Na hindi ko na kinakaya ang mga dinadala ko.

Bakit? Dahil umaasa ako. Umaasa ako na sa bawat pawis at luhang tumutulo mula sa aking mukha ay makita mo man lang at maramdamang kailangan ko ang mga salita mo. Na ang kailangan ko'y ikaw upang palakasin ang loob ko. Upang suportahan ako sa mga mabibigat kong pasanin. Na magkasama nating haharapin ang mga pagsubok para lamang maabot natin ng sabay ang ating tinatamasang diploma.

Pero heto pa rin ako, hanggang tingin na lamang. Araw-araw, gabi-gabi. Iniisip ko kung may pag-asa pa ba.

Ngunit sa tingin ko'y wala na ngang talaga.

Nabalitaan kong may bago ka na raw pinopormahan. Isang babae sa mas mababang antas. Oo alam kong maganda siya. Paano ba namang hindi? Siya yung nanalo sa pageant ng ating departamento.

Alam mo yung masakit? Na siya naipagmamalaki mo. Kayang kaya mong ipagsigawang siya ang gusto mo. Samantalang pagdating sa akin? Sino lamang ba ang nakakaalam ng tungkol sa atin? Mga malalapit ko lamang na kaibigan. Ni isa sa mga kaibigan mo walang nakakaalam ng tungkol sa kung ano mang namamagitan sa atin. Siguro nga dahil sa wala naman talagang mayroon sa pagitan nating dalawa.

Yes, I am so pathetic. Yet, I am not desperate. There's a difference between the two. Hindi mo masasabing desperada ako dahil kung ganon, bakit ako naglelet go? Pathetic kasi, umaasa pa rin akong babalikan mo ako. Ilang beses naman na nangyari ito sa atin, pero bumabalik parin tayo sa isa't isa. Kahit na wala naman tayong maayos na label kumbaga. Sa akin sapat na iyon, kahit may mumunting tinig na nagsasabi sa aking maghangad ako ng sobra sa kung ano mang mayroon tayo. T*nga ako, pero hindi ako sobrang t*nga na ipagpilitan ko pa ito gayong nakikita ko naman sa iyong wala na nga akong halaga. Patawad.

Patuloy na Umaasa,
Ahn.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon