Hi Sir

3 0 0
                                    

Hi Sir,

Noong una, wala talaga akong balak magsulat sa thread na to. Pero dahil tila ba napupuno na ang utak ko ng mga gusto kong sabihin sa'yo, na hindi ko magawang sabihin, dito ko na lamang ipapahayag.

Hi sir. Noong una, hindi ko pinapatulan ang pagbibiro biro nila sa atin. Pero di kalaunan, gustong gusto ko nang patulan. Gusto ko nang paniwalaan. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka purong biro lamang pala ang lahat.

Pinakain ko ang isip ko ng ideyang, oo, gusto mo rin ako. At sa loob ng apat o limang buwan na araw araw kitang nakikita, hindi ko maiwasan na hindi mahulog. Nakakatawa hindi ba? Wala ka naman ginagawa pero nahulog ako. Bakit? Kasi hinayaan ko ang sarili kong paniwalaan ang isang bagay na walang kasiguruhan. Wishful thinking ata tawag dun.

So ayon nga. Ang tagal kitang pinapanood sa araw araw. Umabot na rin ako sa punto na madalas ka nang nagpapakita sakin sa panaginip. Siguro isa rin yon sa dahilan kung bakit nafall ako sa'yo kahit wala ka namang ginagawa. Kasi, sa panaginip ko, akin ka. Pinapakita mo sa akin na akin ka.

Kaya naman, naisip ko. Paano kung bigyan kita ng mga senyales na may gusto rin ako sayo. Ano kaya ang gagawin mo.

Hindi iilang beses kitang nakita or sabihin na nating nahuli na nakatingin sa akin. O baka naman nagiilusyon lang ako? Sinabi ko sa sarili ko, kung mahuli mo man akong nakatingin sayo, hindi ko babawiin ang tingin ko. Sa halip, ngingitian pa kita. Pero iilang beses ko lang iyon nagawa.

Alam mo bang ang tagal tagal kong hinintay na dumating na ang araw ng Christmas Party? Dahil sa tingin ko, iyon lang ang araw na magkakaron ako ng lakas ng loob na lumapit sa yo at makausap ka. Titigan ka nang walang takot na mahuli mo.

At oo, nagawa ko nga. Sabihin na nating may impluwensya ako ng alak noon, pero sobrang malinaw pa ang pagiisip ko noon. Oo malinaw na malinaw pa. At nagawa kong kausapin ka, lapitan ka, hawakan ka.

Pero ang araw ding iyon ang isa sa pinakadisappointing na araw para sa akin. Doon ko napatunayang mali ang pinapaniwalaan ko. At naiinis ako na naniwala ako.

Sobrang naiinis ako dahil alam ko rin noong mga panahon na iyon, wala kang matatandaan sa mga nangyari, nagawa at sinabi mo o sinabi ko. Na nagawa mo lamang ang mga ginawa mo dahil lasing ka. Tinanong pa kita kung matatandaan mo kaya, pero alam ko sa sarili ko na hindi. And that broke me.

You made me believe that you like me. I like you, too. And I'm most afraid that it could be more than that. And now, I want to start unbelieving. Help me do that at least. For the damage you've caused, unknowingly.

Hi sir, I hope you know who I am.

It's me, helplessly attracted to you,
Ahn.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon