June 2, 201X
Wala akong kasalanan sa'yo. Bakit sa akin ka nagagalit?
Makalipas ang mahigit isang buwan mong pagbalewala sa akin, ngayon mo pa ako kakausapin? At anong una mong sinabi sa akin?
"Bakit mo pinagkakalat na ako pa ang masama?"Huh? Inaano ba kita?
Moving on phase na ako oh, tapos ngayon mo pa ako binalak kausapin? Halata naman sa buhok ko, hindi ba?
Hindi kita sinisiraan sa iba. Lalong lalo na, wala akong pinagsabihan ng mga pangyayari sa atin bukod sa kambal ko. Kasalanan ko pa bang sila na ang nagassume na ikaw yung may kasalanan sa ating dalawa?
Sa tuwing may magtatanong sa akin, mga iilang tao na nakakaalam sa kung ano mang mayroon sa atin dati, "Uy, kamusta kayo ni ano?"
Sasagutin ko na lang ng, friends pa din naman, bakit?.
Uulitin ko, hindi kita sinisiraan. Sa katunayan ay pinoprotektahan ko pa rin ang image mo sa mga nakakakilala sa atin. Syempre pwera na lang sa kambal ko na parati kong napagkukwentuhan.
Sinabi ko sa'yo, hintayin mo ako, maguusap tayo pagkarating ko sa maynila.
Heto ka ngayon, pilit akong hinihila upang iyong mayakap. T*ngina! Anong gusto mong mangyari? Sinabi kong maguusap tayo upang magkaayos na tayo. Ayoko naman na sa loob ng anim na buwan na ipamamalagi natin sa iisang lugar ay magiiwasan pa tayo. Isa pa, ayaw ko rin na maging distraction pa ito sa aking paghahanda para sa darating na board examination natin. Para sa akin din naman ito, ewan ko lang kung para sa'yo kasi sa tingin ko naman hindi ka naman apektado sa kung paanong naaapektuhan ako sa sitwasyon nating dalawa.
Pero anong ginagawa mo!? Kinakausap kita ng maayos. Okay, hindi maayos kasi binubugbog kita ng sampal sa mukha man o braso. Iba rin ang tama ng sampal ko pero bakit wala lang sa'yo? Bakit pilit mo akong niyayakap?! Hindi na kita maintindihan.
Pilit kitang pinaliwanagan, pilit na pinakiusapang maging maayos tayong dalawa. Bago matapos ang ating usapan, tinanong kita kung ano tayo?
"Friends tayo, more than. Pero priority muna natin ang pagpasa sa board exam. Chill lang muna tayo."
Natapos tayo sa maayos na usapan. We ended it with a smile on each others face, with a tight hug and a peck on the lips. Hindi ka na nagabalang ihatid ako sa aming kwarto.
Hindi mo alam, bumalik sa akin ang pag-asang may halaga nga ako sa iyo.
Umaasa sa iyong pagmamahal,
Ahn.
BINABASA MO ANG
Unspoken
Non-FictionPatuloy na umaasa dahil patuloy na nagmamahal kahit pa patuloy na nasasaktan. Ano ang kaya mong gawin para sa pagmamahal na iyong inaasam? Ilang puso ang kailangan mong biyakin para sa kaligayahang pinapangarap? --- Fragments of my secrets, unspok...