JULY 3, 201X
To the man I thought was just a friend,
Hi. Una sa lahat pasensya na. Paliwanag ko later on kung bakit.
Alam mo ba, ipinagpapasalamat ko na dumating ka noong mga panahong sa tingin ko'y walang nakakaintindi sa akin. Sa dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa boyfriend ko.
Let's just call it a Coincidence.
Bigla ka na lang nagchat sa akin. Curious ka kung bakit nagdadrama si *insert name ni ex* sa group chat na kinabibilangan ng barkada natin. Ako naman, dahil ayoko ng mahabang paliwanagan, sinabi ko lang na hiwalay na kami. Tinanong mo pa kung bakit.
And then nalaman ko na nakipaghiwalay ka na rin pala sa girlfriend mo. Of which, hindi ko alam na naging kayo na pala. Akala ko ligawan portion pa lang kayo. Nagulat pa ako na halos isang buwan lang kayo tumagal. Mas matagal pa yung panliligaw mo kaysa sa panahon na naging kayo.
Surprisingly, halos pareho tayo ng naging dahilan kung bakit tayo naging single at almost the same time. We're on the same boat. But in different rooms. Kaya naman nagkakaintindihan tayo sa ilang bagay.
And time passed by, palagi na tayong nagkakausap. Nagkukwentuhan kahit na may time difference tayo at ikaw na iyong napupuyat. Naka-overseas call pa.
We started being the outcasts of our group. Kasi nga parehong nasa grupo ang mga ex natin. Kaya naman, gumawa tayo ng sarili nating mga plano. Bucket list. At mahaba na ang listahan.
Isa na sa naging parte ng listahan ang pagkuha mo sakin papunta sa bansa kung nasaan ka. Ako naman, payag ako kasi kailangan ko talaga kumita ng mas malaki para sa pamilya ko.
Pero umuwi ka ng Pilipinas, training ka lang naman doon ng tatlong buwan.
Mas marami na tayong naging panahon na magkasama at magkakwentuhan kasi magkalapit lang ang work place at tirahan natin.
At doon na nagsimula ang lahat.
Noong mga panahong nasa wala ka pa sa Pilipinas, napansin na ng isa kong kasamahan sa trabaho na lagi kitang kausap kahit na may time difference tayo. Biniro niya pa ako na tayo na raw. At sinabi ko iyon sa'yo. Ang sagot mo ang ikinagulat ko.
"Maghintay siya."
Doon na ako kinabahan. Pero syempre ayoko naman magassume at magconclude kaagad kaya ipinagwalang-bahala ko na lang iyon. Sa iyo ko pa nga naikwento iyong senior ko sa opisina na nanligaw sa akin. Wala ka namang violent reaction. Kaya binalewala ko na alang ang sinabi mo.
Nang makauwi ka, madalas, halos gabi gabi nagyayaya ka na lumabas at tumambay. Ako naman, payag ako kasi wala naman din akong gagawin.
Hanggang sa isang gabi nang ihatid mo ako pauwi galing sa pagtambay natin sa kung saan. Nagpapaalam at nagpapasalamat na ako sa paghatid mo nag hinila mo ako para yakapin. Nagpumiglas pa ako noon kasi hindi ko malaman kung bakit kailangan yun.
Sumunod na gabi, isinama mo ako sa tirahan niyo kasi wala tayo mapuntahan. Pero hinila mo ako pahiga at niyakap. Dumating pa sa puntong pinipilit mo akong halikan. Syempre ako lumaban ako. Kasi ayoko. Kasi kaibigan kita.
Kaya naman iyong mga sumunod mong anyaya na lumabas tayo ay tinatanggihan ko na. Pinipilit mo na akong hawakan sa kamay, na pinipilit ko namang hilahin mula sa pagkakahawak mo.
Hindi ko na rin pinapansin ang mga chat mo sa akin. Nararamdaman ko na ang kakulitan mo. Pakiramdam ko pinipilit mo na ang sarili mo sa akin.
May ibinigay kang sulat sa akin noong huli tayong magkita. Sinabi mo na buksan ko iyon at basahin kapag hindi na kita nakikita as a member of the crowd. Nagkunwari ako na hindi ko naintindihan. Kunwari wala akong malay sa mga paandar mo. Sa mga ginagawa mo.
Gusto kong malaman kung ano ang nakasulat doon sa piraso ng papel na iyon. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Gusto kong manatili ka lang sa pagiging kaibigan ko. At mananatiling kaibigan ang tingin ko sa iyo. Kaya sa palagay ko, hindi ko na mabubuksan pa ang sulat na iyon. Siguro, pagdating ng panahon kung kailan maayos na ang lagay ng puso ko, mababasa ko iyon at malalaman ang nais mong sabihin noon.
Kaya pasensya na kung ang mga plano natin ay hindi na matutuloy pa. Patawad. At pakiusap, huwag mo na muna ako masyadong kulitin.
Alam kong narinig mo ang sinabi ko noon sa best friend ko, "Mabait ako sa lalaki kung kaibigan ko lang siya, pero once he turned out to be a lover, I can be very cruel."
Kaya sana huwag ka nang magtataka kung bakit hindi na kita masyado pinapansin.
Sa muli. Patawad, kaibigan.
Umaasa sa iyong kapatawaran at pagintindi,
-Ahn.
BINABASA MO ANG
Unspoken
Non-FictionPatuloy na umaasa dahil patuloy na nagmamahal kahit pa patuloy na nasasaktan. Ano ang kaya mong gawin para sa pagmamahal na iyong inaasam? Ilang puso ang kailangan mong biyakin para sa kaligayahang pinapangarap? --- Fragments of my secrets, unspok...