JULY 07, 201X
To my faceless groom,
Hi! Kamusta na? Inip ka na ba sa paghihintay sa akin diyan sa altar? Pasensya na ha. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin nakikita ang mukha mo. Kaya keep waiting lang ha? Wag ka sana mapagod maghintay. Ikaw lang din naman ang hinihintay ko.
Alam mo ba? Sa tuwing naiisip ko ang sarili ko sa future hindi mawawala na isipin ko rin kung sino kaya yung lalaking mamahalin ko at mamahalin ako na makakasama ko sa habang buhay? Ikaw iyon, syempre. Pero kasi, doon sa future na nakikita kong kasama kita, hindi ko nakikita ang iyong mukha. Hindi kita kilala.
Kahit noong mga panahon na may boyfriend ako, hindi mukha niya ang lumalabas sa tuwing naiisip kita. Ibig bang sabihin hindi siya ikaw? Kung ganoon, sino ka?
Sa tuwing naiisip ko ang future ko, palaging iyong panahon na mag-asawa na at may mga anak na. Ni minsan, hindi ko naisip iyong araw ng kasal.
Pero nang magsimula na akong umattend ng mga wedding, naiisip ko na rin ang sarili ko na kinakasal. Syempre, sa'yo. Pero may problema pa rin kasi, wala ka pa ring mukha.
Marami na akong nakilalang lalaki, pero wala ni isa sa kanila ang nakapagbigay sa iyo ng mukha.
Ngunit bakit? Bakit kanina, habang malalim ang aking iniisip, nagpakita ang isang wedding event. Iyon ay ang kasal ko, natin. At sa pagkakaalala ko, I had a glimpse of your face.
I cannot believe what I saw. Pero sa loob ko, umaasa ako na sana totoo iyong nakita ko. Dahil oo, inaamin ko, nagkakagusto na ako sa lalaking iyon. Hindi man kami nagkakausap nitong nakaraan, sumusulyap sulyap lang ako sa kanya.
Ayon kasi sa balitang aking nakalap, may karelasyon daw siya ngayon. Ang matindi pa, kasamahan ko sa team ang babaeng tinutukoy sa balita. At nagseselos ako. Pero bakit?
Bakit ngayon ko lamang naramdaman ang epekto niya sa sistema ko? Pero sa pagkakaalala ko, noong una ko siyang makita at makilala, may kakaiba na akong reaksyon na isinantabi ko lamang.
Pati noong panahong malaman ko na may karelasyon na raw siya, na-disappoint ako. I feel down.
Kaya naman, kung sana ay ikaw ay siya. Maari bang bigyan mo ako ng senyales? Akin ka di ba? At sa'yo naman ako.
Maraming Salamat, mahal ko.
Your bride,
Ahn.
BINABASA MO ANG
Unspoken
Non-FictionPatuloy na umaasa dahil patuloy na nagmamahal kahit pa patuloy na nasasaktan. Ano ang kaya mong gawin para sa pagmamahal na iyong inaasam? Ilang puso ang kailangan mong biyakin para sa kaligayahang pinapangarap? --- Fragments of my secrets, unspok...