Chapter 12

132 3 0
                                    

"Ma'am, usog na lang po kayo doon." I immediately moved para maka-upo pa iyong ibang sasakay sa bangka kaya nadikit ako kay Kiel. He was still holding his camera at panay pa din ang kuha ng mga pictures.

Tumabi sa akin ang isang grupo ng mga lalaki. Mukhang close sila sa isa't isa since medyo maingay sila at nagbibiruan. I was in between Kiel and a man wearing a maroon shirt with a curly hair na medyo maputi ang balat.

Kanina noong maalala ko iyong tungkol sa mga plano namin noon, I was speechless. I really didn't know how to respond. Ang alam ko lang ay kumakabog na sobrang lakas ang puso ko na halos himatayin na ako.

I know. Alam na alam ko na mahal ko pa si Kiel. Even after all those painful years. I never stopped loving him. I never replaced him with anyone. Siya lang.

Pero madami na ang nangyari. Hindi ko alam kung ako pa din ba at naiinis ako kasi sa mga ipinapakita niya ay mas lalo akong umaasa. Ayokong masaktan. Tapos na ako dun e. Ayoko na sanang maulit pa.

"I know. Pain really makes us do things we shouldn't but I do not want you to get the wrong idea. You deserve to know. At the very least we should give justice to what happened in the past, don't you think?"

I clearly remembered what he said noong magpunta kami sa puntod ng anak ni Veronica and it appeared to me that he just wants closure. Iyon lang at wala ng iba. But the way he acts and all that sunrise thing, I can't help but to assume! Gusto ko na lang sapakin ang sarili ko.

I came back to my senses nang maramdaman ko ang pag-andar ng bangka. Mas lalo din umingay iyong mga lalaki na katabi ko na pati iyong ibang pasahero ay napapatingin na din sa kanila. Nagtutuksuhan sila sa isa't isa at napansin ko naman na mayroong kausap si Kiel sa phone, I heard that it was Liam kaya naman ang atensyon ko ay natuon sa mga maiingay kong katabi.

Nang makarating kami sa isang isla ay agad nagsibabaan iyong mga ibang pasahero at nagtampisaw sa malinaw na tubig. Sabi ng bangkero ay 45 minutes lang daw kami doon. Agad na hinubad ni Kiel ang shirt na suot leaving him with just his board shorts kaya natuon tuloy ang pansin ko sa ibang parte ng isla. Agad siyang lumusong sa tubig at iyong mga babaeng kasama naman namin ay panay ang tapon ng tingin sa kanya. Seriously? Isn't he aware of that?

Tinignan ako ni Kiel at sinenyasan na lumapit at doon ko lang napansin na ako na lang pala ang hindi nakakababa sa bangka! Agad pumula ang pisngi ko kaya dali-dali kong hinubad ang beach dress na suot leaving me with my bikini. Nasa malayong parte na iyong ibang pasahero at kami na lang ni Kiel ang malapit pa sa bangka, iyong dalawang bangkero din naman ay busy sa pag-uusap.

"What?" I asked him nang makalapit ako.

"Nothing." He smiled. Inirapan ko siya. Papalapitin ako tapos wala naman palang kailangan. Patuloy lang ako sa paglangoy pero hindi din naman lumalayo. He was just there observing me like I would be lost any minute. Pinagpatuloy ko lang ang paglangoy at hindi na muna siya pinansin but a few moments later, I felt something on my left foot! Hindi ko iyon maigalaw! Naramdaman ko ang unti-unti kong paglubog kaya agad akong nag-panic. Baka malunod ako! Hindi ko alam ang gagawin ko!

I felt someone pulled my hand kaya agad akong nakakapit. It was Kiel. Sa sobrang takot ko ay napayakap na lang ako sa kanya habang nanginginig.

"It's okay. I'm here, shh..." he gently said. Niyakap niya ako saka ako dinala sa bangka. Nagtaka naman iyong mga bangkero sa bilis ng pagbalik namin kaya agad silang lumapit.

"Ser? May nangyari po ba?" tanong nung isa sa kanila.

"I think pinulikat siya." Kiel reached for the towel at ibinalot iyon sa akin saka niya tinignan ng maigi ang paa ko.

Only Home (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon