Chapter 18

133 3 0
                                    

I was close to becoming crazy while thinking about all the horrifying things that could happen to him. My car is running at full speed and I can't even figure out how I can still drive even when my eyes are blurry because of tears. I managed to get in to the hospital where he has been rushed and I almost died when I saw him.

He was there... lying... full of blood.

Hindi siya gumagalaw. Wala siyang malay.

Agad akong napatakip sa bibig ko at napahagulgol. Tinangka ko siyang lapitan pero nagmamadali siyang isinugod ng mga doctor sa emergency room. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang... sobrang kinakabahan ako. Sobrang dami iyong mga bagay na tumatakbo sa utak ko ngayon at karamihan doon ay mga negatibo. Hindi ko alam ang gagawin kapag mayroong nangyaring masama sa kaniya.

Hindi ko kaya.

Iyak ako ng iyak at halos hindi na ako makahinga pero sinikap kong tawagan si Anna at Drew. Hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa at nanlalamig pa ang kamay ko nang dumating sila. Agad akong niyakap ni Anna at tinapik-tapik naman ni Drew ang balikat ko.

"Shh... it will be fine. Kapit lang, kaya niya 'yon," Anna said, hugging me. Pinaupo na muna nila ako at sinamahan sa isang gilid habang naghihintay na matapos ang kung ano mang ginagawa nila kay Kiel. Pinunasan naman ni Drew ang mga luha ko gamit ang panyo niya pero patuloy pa rin iyong umaagos.

Diyos ko, tulungan niyo po si Kiel, please? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag mayroong masamang mangyari sa kaniya. Hindi ko... hindi ko po kakayanin.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong naghintay. Hindi ko matigil-tigil iyong pag-iyak ko kaya sinusubukan kong kagatin iyong ibabang labi ko pero wala pa rin iyong epekto. Nakatitig lang ako sa kamay kong may suot na singsing at marahang hinahaplos iyon nang paulit-ulit.

Sobrang bigat ng puso ko.

Sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Kiel, please? Lumaban ka. Ang dami pa nating gagawin, e! Sobrang dami pa ng plano natin. Huwag mo naman akong iwan, oh. Huwag naman ganito. Papayag na akong lagyan ng pool iyong bahay na ipapatayo natin basta huwag mo lang akong iiwan. Pagbibigyan kita sa lahat ng gusto mo basta lumaban ka lang kasi... hindi ko kaya na wala ka.

I will never truly live without you.

I cried and cried silently and Anna had to hold and squeeze my hand to relax me. Agad akong napatayo nang lumabas ang doctor.

"I'm his fiancé," I said directly.

I could almost hear my heartbeat pounding violently. Kinakabahan ako at sobrang nanginginig. Nakatayo sila Anna at Drew sa likuran ko at naghihintay din sa sasabihin ng doctor. Kailangan kong magpakatatag. Kiel got this. Alam kong kaya niya 'to.

Pero halos mabingi ako nang marinig ko ang mga binatawang salita ng taong kaharap ko. Nagsimulang mag-unahan pababa ang mga luha ko at parang binagsakan ako ng langit at lupa.

Hindi... hindi totoo 'yon.

Tiningnan ko sila Anna at Drew sa likuran ko at pati rin sila ay naiiyak nang makita ako. Agad akong niyakap ni Drew kaya napahagulgol ako.

"I'm sorry, Jade," bulong ni Drew.

Gustuhin ko mang paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ang lahat ng 'to, pero hindi. Lahat ng ito ay totoo... at wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ay ang tanggapin ang katotohanang iyon.

Kiel... is comatose.

"Pagod ka na ba?" Tita Sara, Kiel's mom, asked me. Nakatitig lang siya sa anak niyang nakahiga lang sa aming harapan. Hindi ako umiimik at tanging tunog lang ng makina ang maririnig. Makinang bumubuhay kay Kiel.

Only Home (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon