I adjusted my tie while waiting for her but Liam interrupted me.
"Monte naman, halata ka masyado na kinakabahan. Pumirmi ka nga!" he tapped me before straightening his back. "Huwag kang mag-alala, kapag nagback-out si Ma'am Jade, iaalis agad kita dito sa simbahan para hindi ka masyado mapahiya."
I glared at him. Kahit kailan talaga walang kwenta ang mga pinagsasabi niya. Bakit ba 'to nandito?
"You shut up or you lose your job?" I whispered. Napahalakhak lang siya sa akin.
"HAHAHA! Iyan talaga parati mong ginagawang pang-blackmail sa akin, e! Gasgas na 'yan uy!"
"Really? Gusto mo totohanin ko?"
Napatahimik naman siya.
"Ginaganyan mo ko samantalang ako kaya iyong napurnada sa mga restaurants mo noong comatose ka! Wala kang utang na loob! Akala mo ba naging madali lang iyong buhay ko noong mga oras na iyon? Nagkakamali ka! Sa akin lahat napunta ang stress! Tapos... tapos... ginaganito mo 'ko?"
Liam was blabbering nonsense but all my attention is focused to the entrance of the church when a beautiful lady stood.
Nandoon siya at nakangiti sa akin. Kahit nasa malayo pa lang siya, agad bumilis ang tibok ng puso ko.
And I am more than glad for that. I am too glad that she makes my heart beat this fast. Unti-unti siyang naglakad papalapit at hindi ko maialis ang mga titig ko sa kaniya.
I could almost stare at her forever. She's so beautiful... and wonderful. Noon pa lang alam ko na sobrang mahal ko ang babaeng ito. I always envision my future with her. I always dreamed of spending my whole life with her. I can't even think of anyone who can make me feel like how she made me feel.
"Sige na Monte! Habol ka! Minsan lang naman to, e! Pakasaya naman tayo oh!"
Inilayo ko ang cellphone ko sa tainga nang marinig ko ang pasigaw na pagtawag sa akin ni Liam. Maingay ang background kaya alam ko na nandoon nga siya sa bar.
Damn him. Ang sabi ko may gagawin ako, e!
"I have something to do—"
"Sige naaaa! Wala akong dalang sasakyan. Sunduin mo 'ko pleaseee!"
Pinatayan ko na lang ng tawag si Liam. Kahit kailan talaga wala siyang kwenta. Pupunta-punta roon tapos hindi magdadala ng sasakyan tapos iistorbohin pa ako! Walanghiya siya! Huwag lang talaga siyang aabsent sa trabaho dahil dyan dahil kung hindi sasakalin ko siya!
Liam was calling me non-stop kaya naman napagdesisyunan kong humabol doon sa bar na pinuntahan nila nang sa ganoon ay masakal ko agad ang walanghiya. Hindi niya talaga ako titigilan kahit kailan, e!
Agad akong bumaba ng sasakyan at tiningnan ang kabuuan ng lugar. Naririnig ko na ang sobrang lakas na tugtog sa loob.
I was about to head inside when I noticed these men. Nakapalibot sila sa isang babaeng nakaupo doon sa gilid na parang wala ng malay. My forehead creased with what I saw. Aren't they going to help the woman up? I can't see the face yet but she resembles someone because of her physique. Natatabunan kasi nung isang lalaki iyong mukha ng babaeng walang malay but when he moved, I immediately froze.
Jade...
I didn't hesitate to come near them at agad na nag-init ang ulo ko nang marinig ko pa ang pinag-uusapan nila.
"Pare, doon na lang kasi sa inyo para mas safe. Salitan na lang tayo dito kay ganda."
"Sige basta ako ang una sa kanya, ah!"
BINABASA MO ANG
Only Home (Completed)
RomanceJasmine Devon Sevilla lets go of the man she loved the most in order to correct the mistake that has been made, she chased her dreams in Australia and made a remarkable version of herself but as she goes back to the Philippines, she discovers his re...