Chapter 3

240 14 5
                                    

Hindi ko na alam kung ilang minuto akong nakatayo doon at nakaharap lang sa kanya. Tinitigan ko siyang mabuti na para bang ayokong makaligtaan kahit katiting man lang sa mukha niya.

He's grown fine. Lalong na-emphasize ang mga features sa mukha niya, tumangkad din siya lalo at mas gumanda ang hubog ng katawan, his dark eyes were piercing at me, they were so deep and full of emotions na hindi ko maipahiwatig. His jet-black hair was neatly fixed. He was just wearing a black shirt and gray trousers na mas lalong nagpalutang ng maputi niyang balat. He looked so good.

Umiwas ako ng tingin, I shouldn't intrude with his life anymore. Marami na ang nagbago, hindi na kami kagaya ng dati. He already has a family kaya naman hindi ko na dapat siya guluhin gaano ko man kagusto. I should distance myself from him, ayokong makasira. Paano ba kasi ako napunta dito? I faced him again.

"I am so sorry for bothering you Kiel, maniwala ka hindi ko talaga alam kung paano ako napunta dito, hindi ko intensyon na manggulo," I said hoping that he would believe me.

"I'm not bothered at all," sagot niya still looking at me intently. "Ako ang nagdala sayo dito, you looked so wasted at the road last night," he added.

Nagulat naman ako doon, siya pala ang nagdala sa akin dito, akala ko nagsleep walk na ako at napadpad sa pamamahay niya!

"Uh, well, tinawagan mo nalang sana sila Anna so that we won't disturb you," nag-a-alinlangan kong sagot habang nakatungo. Hindi niya na sana ako dinala pa dito sa bahay niya, what if Veronica would suddenly come? Tapos makita niya ako sa kwarto pa ni Kiel, ano nalang ang iisipin niya? Where is she ba? Aren't they supposed to live together? His perfect eyebrows rose up.

"How could I do that? Wala naman akong number ng mga friends mo and you also don't have your things with you, nakahandusay ka lang doon sa kalsada kagabi."

My things! Naiwan ko pala yun sa club! Nakaramdam naman ako ng hiya, nadistorbo ko nga siguro siya.

"Uh, Kung ganoon, thank you for letting me stay here, and sorry din kung nadistorbo kita. Aalis na ako," I said and started walking to the door.

"How? Do you even have money?" he fired at me.

Oo nga pala, sarili ko lang ang dala ko ngayon. Nagpapa-utang kaya siya? Babayaran ko nalang agad kapag nakabalik na ako.

I was supposed to say something but he started walking towards me and held my wrist gently, nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya kaya agad ko iyong binawi. What was he doing? He already has a wife! Papano nalang kapag may makakita? Umiwas ako ng tingin and remained silent. He heaved a sigh.

"Sit down first," sabi niya na lang saka naglakad papunta doon sa sofa.

I followed him maintaining a distance. Nauna siyang umupo doon at hinintay akong makalapit. Umupo ako doon sa pinakagilid na parte ng sofa at saka nanahimik. Wala ba siyang kasama dito talaga? Ang tahimik e.

"Come here."

I heard him but I was still contemplating kaya naman siya nalang ang tumayo at lumapit sa akin habang mayroong bitbit na first aid kit.

"Can I?" tanong niya habang nakatingin sa akin, there was something in his eyes. Was it sadness? But why would he be sad anyway?

"Can you what?" tanong ko pabalik.

Kinuha niya ang braso ko at doon ko napansin ang mga galos ko, nakuha ko yata ito noong natumba ako sa daan kagabi at hindi man lang ako tinulungan nung mga kumaladkad sa akin. Sinimulan niyang linisin ang mga iyon habang ako ay nakatitig lang sa ginagawa niya. He was doing that with so much care, like a I was some fragile vase. If only I could stay here and stare at him forever, I would. But things are not like what it was before.

Only Home (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon