Chapter 4

31 7 10
                                    

Yza's POV

Hindi ako mapakali, excited na akong makalabas dito. Hindi ako sigurado kung ito nga ang laptop na sinasabi ni Dad, pero bakit naman hindi ipapagalaw ni Habagat 'to kung hindi importante 'diba?

Ang problema ko lang, hindi ko alam kung paano ako makakalabas. Paniguradong uusisain ako ng mga makakakita sa akin.

Hindi bale, sasabihin ko na lang na ipinasusunod 'yon sa akin ng impakto nilang boss.

Tumango-tango ako sa sariling naisip at kinuha ko ang laptop. Lalakad na sana papunta sa pinto ng bigla 'yong bumukas.

“What are you doing?” Tanong niya sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko at napatingin sa hawak ko. Tiningnan niya rin 'yon.

“And why are you holding that thing?”

Sh/t! Yza, mag-isip ka ng rason!

*Think think*

*Ting!*

Nililinisan ko tong table niyo, Sir, ini-angat ko lang para mapunasan ng maayos hehe!” Pag-dadahilan ko.

Shocks! Sana gumanaaa! Tumaas ang kilay niya, mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

Mapunasan? Nasaan ang basahan? Ano, palad ang gamit mo?” Sarkastikong sabi niya.

Napakamot ako sa sintido ko at tumawa ng awkward.

Ang talino nga talaga ng unggoy na 'to! Napansin niya pa 'yon?

Pero syempre, dahil maganda ako nakaisip ulit ako ng dahilan. Ibinaba ko ang laptop.

Bigla ka kasing pumasok, nahulog po,” Sabi ko at kunwaring yumuko.

Inilabas ko ang panyo ko at nilamukos. Pinunas ko rin sa sahig para mag-mukha talagang basahin. Jusmeyo! Pati panyo ko!

Nang makuntento ako sa itsura ay umayos na ako ng tayo at ipinakita sa kaniya ang panyo kong mukhang basahan.

“Ito yung basahan oh!” I said.

Utang na loob, maniwala ka na!

Tumingin lang siya sa akin. Problema ng pangit na 'to?

“Sir, alam kong maganda ako, pero 'wag mo akong masyadong titigan, nakakahiya po eh!” Pabebeng sabi ko.

Hindi ko talaga na-imagine ang sarili kong ginagawa to!

Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa akin. I tilted my head dahilan para matauhan siya. Tumikhim s'ya at biglang tumawa.

Tumawa siya nang tumawa.

Hoy teka lang! Ang usapan magpapanggap akong secretary, pero hindi ako aware na secretary pala ng baliw kong boss-bossan.

“Hindi lang pala ako ang mahangin dito.” Natatawang sabi niya.

Woah! Nakakagulat 'yon ah! At least alam niya sa sarili niyang mahangin siya. Nice, honest!

“Anyway, paki-sunod sa akin ang phone ko sa parking lot. Salamat, Ysabelle!He said at tatalikod na sana pero nagsalita ako.

Ysabelle?! YSABELLE?! 

“It's Yzabelle with a Z and not Ysabelle with a S!” Pagtatama ko.

“Isang letter lang naman ang namali, ang arte mo.” Sabi niya at lumayas na.

Rude!

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now