Chapter 15

16 4 4
                                    

Yza's POV

“Seryoso ba 'yan? Marunong ka pala mag-thank you?” Sarkastikong sabi niya at tiningnan ang paper bag na binigay ko. “At may peace offering pa!” Nang-aasar niyang dagdag.

Napaka-dami mong sinasabi, akin na nga kung ayaw mo niyan!” Sabi ko at inagaw sa kaniya ang paper bag.

“Bakit mo binabawi? Akin na 'yan!” Aniya at inagaw rin sa akin kaya nahawakan niya ang kamay ko.

Nagdikit lang naman ang mga balat namin, pero bakit parang nakaramdam ako ng kuryente? Napatingin ako don ng ilang sandali at nang tingnan ko siya ay mga mata naman namin ang nagtama kaya agad kong ibinigay ang paper bag.

Agad akong lumingon kung saan at nagkamot ng batok.

Hindi ako tumingin sa kaniya at hinintay kong umalis siya, pero ilang segundo pa ang dumaan ay wala pa rin akong naririnig na umaalis.

Aish!

Naibigay ko na, nakapag-pasalamat na riin ako sa'yo, p'wede ka ng umalis. Bukas ang pinto, ihahatid pa ba kita?” Sabi ko at inimuwestra pa ang daan palabas.

“Okay okay! High blood masyado.” Sagot niya at itinaas pa ang dalawang kamay senyales na sumusuko na siya. “But anyway, thank you sa 'peace offering' Ms. Mendez,” Nang-aasar niyang dagdag kaya dinampot ko ang rolyo ng tissue sa table ko at ibinato 'yon sa kaniya.

Sinalo niya 'yon gamit ang isang kamay at tumawa.

Alis!” Sigaw ko.

Mapang-asar niya akong tinatawan ulit kaya kinuha ko ang pencil holder na metal at umambang ibabato 'yon sa kaniya.

“Ay huwag 'yan, masakit 'yan! Boss mo ko,” Pananakot niya sa akin kaya itinaas ko ang pencil holder. “Okay tama na! Aalis na ako! Salamat sa 'peace offering!'” Sabi niya at tumakbo palabas ng office ko.

Natawa na lang ako sa ka-cute'an niya.



Waitttttt?!!! Whattttt??!!

No! Did I say he's cute?!

No!

I don't.

WALA NAMAN KAYONG NABASA 'DIBA? Yes, tama. Wala kayong nabasa. Anyway, back to work.

I opened my laptop and read some important details. Nakalipas ang isang oras at may kumakatok na sa pinto ng office ko.

“Come in!” Sigaw ko at narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ako nag-abalang lumingon sa kung sinong pangit na 'yon dahil mula dito sa kina-uupuan ko ay amoy na amoy ng matangos kong ilong ang mabantot ng ugali ni Gil.

“Let's go.” Sabi niya.

Akala ko ba ako ang magsasabi kapag aalis na kami? Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at 2:30 pa lang.

“It's 2:30 pm Mr. La Cervantes. 3 o'clock ang meeting mo, 5 minutes away lang dito ang lugar kung saan 'yon gaganapin. Excited lang?” Sarkastikang sabi ko at inirapan naman niya ako.

Tusukin ko ng ballpen mata mo d'yan eh! Omg, Yza! Chill, masyado kang nagiging brutal!

“Excuse me, Ms. Mendez but every millisecond of my time is important. It's better to be early than to be late. That's my motto. Now I'll give you five minutes para mag-handa and then sumunod ka na sa akin. Nasa parking lot ako.” Dire-diretsong sabi niya bago ako tinalikuran at lumakad palabas.

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now