Chapter 7

25 6 6
                                    

Gil's POV

It's already 10 o'clock in the morning when I arrive here in LC Company. Sobrang traffic kaya na-late ako.

Kaninang 6 am ay tinext ko ang ubod ng bangis kong secretary para paalalahanan siang huwag mala-late. For sure pagtatawanan ako non, ako ang na-late eh.

Pagpasok ko sa loob ng building ay binati ako ng mga empleyado, I just nod and smiled at them.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa office ko ay nakita kong bukas ang opisina ni Yzabelle with a Z and not with a S.

Dire-diretso lang akong nag-lakad, hindi ko sana sisilipin pero napahinto ako sa mismong tapat ng office niya dahil may tumawag  sa akin.

“Sir! Good morning po, may meeting po kayo kay Mr. Adjem mamayang 2 pm,” Sabi ni Iselle sa akin.

Nagtakha naman ako, si Yzabelle ang secretary ko 'diba?

Bakit ikaw ang nagsasabi niyan sa akin? Nasaan ba ang secretary ko?” Tanong ko.

Ngumiti muna skya sa akin bago tumingin sa aking likuran.

“Knock out, Sir!” She said, giggling while  pointing my back.

I turned around and saw her sleeping. Ginawa niyang unan ang sariling braso habang payapa siyang naka-pikit.

Mukha siyang maamo kapag tulog.

Bakit natutulog 'yan? Oras ng trabaho ah?” Ma-awtoridad kong tanong habang nakatingin sa natutulog na si Yzabelle.

“Eh ikaw, Sir? Bakit ka late?” Taas kilay niyang tanong sa akin.

Close kami ni Iselle kaya na-gaganyan niya ako. Childhood friend ko siya.

“Na-traffic,” Tipid kong sagot at inirapan niya lang ako.

“Anyway, mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Ms. Yzabelle, Sir.” Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya at ibinalik ulit ang tingin kay Yzabelle with a Z and not with a S. “Kanina kasing pagpasok niya muntik na siyang mabuwal eh, mukhang may trangkaso. Sabi ko nga umuwi na kang muna siya kaya lang tumanggi siya, kakapasok pa lang daw niya kasi, aabsent na siya agad. Ikaw ba naman kasi ang magbalik-balik sa iba't-ibang kumpanya, bakit hindi sasakit ang katawan mo,” Dagdag ni Iselle na obvious namang parinig sa'kin.

Napa-buntong hininga ako habang tinitingnan ang mala-tigreng babaeng 'to.

“Pinuntahan niya talaga lahat 'yon kahapon?” Tanong ko sa sarili ko, nakalimutan kong nandito nga pala si Iselle.

“Oo, Sir! Mukha nga siyang zombie kahapon nung bumalik siya dito, lahat kami ay nagulat sa itsura njya. Ang ganda-ganda pa naman niya kahapon, sinayang mo lang yung outfit niya. Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo?”

Dapat talaga ay dalawa lang ang meeting ko kahapon pero syempre dahil ako si Gil, nag-print ako ng ibang schedule tapos 'yon ang ibinigay ko sa kaniya.

Alam ni Iselle ang ginawa ko dahil siya ang inutusan kong gumawa ng bagong schedule.

“Natutulog din naman ako pero hindi ako ganiyan ka-cute! Ang cute ni Ms. Yzabelle matulog, so unfair!” Biglang sabi ni Iselle kaya napatingin ulit ako kay Yzabelle.

Mukha s'yang ma-among kuting matulog, pero mabangis na tigre naman pag-gising.

Sa lahat ng naging secretary ko, siya pa lang ang may lakas ng loob na sigaw-sigawan ako. Ibang klase!

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now