Chapter 8

34 6 19
                                    

Yza's POV

Pagkatapos kong kainin ang 'peace offering' daw kuno ng ungas ay ininom ko ang gamot na binigay niya kahit duda ako.

Kapag 'to talaga may lason at namatay ako, alam niyo na kung sino sisisihin.

Nagdaan ang maghapon at wala naman masyadong ginawa. Tinatawag lang ako ng walanghiya kapag may ipapakuha siya o kaya ay magpapagawa ng kape. Kapal ng mukha, may kamay naman siya eh!

Nakatitig lang ako sa wrist watch ko at hinihintay na mag-alas sais para makauwi na ako.

Napangiti ako ng mag-alas sais na. Yes! Makakalabas na rin ako sa kuta ng kampon ni satanas! 

Lumabas na ako ng office ko at lalabas na sana ng building ng bigang may tumawag sa akin.

“Ms. Yzabelle!”

Nilingon ko si Iselle na tumatakbong papunta sa akin. Muntik pa madapa!

“Uuwi ka na?” Tanong niya ng makalapit siya sa akin.

Ay hindi! Tatambay pa ako rito, masama kasi pakiramdam ko!

“Yes, bakit?”

Hinawakan niya ako sa kamay at ngumiti siya.

“Tara! Sama ka sa amin!” Masayang aniya.

“Saan?” I asked.

“Kakain d'yan sa may bagong bukas na resto!” Tinuro niya pa kung saan 'yon, akala mo naman nakita ko.

Tatanggi sana ako kaso naunahan niya ako.

“Ang mag-no mawawalan ng trabaho.” Taas kilay niyang sabi.

Parang gusto kong hablutin bigla ang mahahaba niyang pilik-mata.

“Okay,” Sabi ko.

“Sasama ka?” Paninigurado niya pa.

“Oo nga!”

“Okay, taralets!” Masiglang wika niya at hinatak na ako.

Makahatak naman 'to! Akala mo naman close na kami, duh!

Habang naglalakad kami papunta sa mga officemates namin ay naka-salubong namin ang impakto.

“Hoy!” Pag-tawag ni Iselle. Parang aso lang yung tinatawag niya ah? Sabagay, mukha namang aso 'tong impakto na 'to.

Huminto at tumingin ang walanghiya sa gawi namin. Lumapit naman si Iselle kaya sumunod ako sa kaniya.

“Uuwi ka na niyan?” Hindi ko alam kung ako lang ba, o sadyang ganito talaga makipag-usap si Iselle dito sa impaktong 'to. May pagka-walanghiya niya kausapin.

“Medyo,” Pilosopong sagot naman ng ungas.

Ayos 'to ah! Ganito yung masarap panoodin eh. Yung mga nag-aargue tapos nagpi-pilosopohan. Maunang mapikon, talo.

“Unggoy! Tara,” Yaya ni Iselle sa kumag.

Teka wait! 'Wag mong sabihing isasama niya ang walanghiyang 'yan?!

“Saan na naman?” Tanong ng walanghiya.

'Wag ka ng mag-tanong,” Sagot naman ni Iselle.

“Ayoko, may gagawin pa ako,” Pag-tanggi ng walanghiya.

Nag-celebrate naman ang organs ko dahil hindi naman pala siya sasama.

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now