Chapter 14

18 4 4
                                    

Yza's POV

Nandito kami ngayon sa opisina ng impakto habang ginagamot ko ang sugat niya.

Pabida kasi.” Sabi ko habang dinadampian ng bulak na may alcohol ang gilid ng labi niya.

“Aray! Dahan-dahan naman!” Aniya at napapailag pa. “That's how you say thank you to someone who saved you?” Sarkastikong dagdag niya.

“Sino ba kasing may sabi na makipag-suntukan ka sa kaniya ha? Ako ba? Ako ba?” Sarkastikong sagot ko naman.

“Tsk, kahit sinong tao naman ay gagawin 'yong ginawa ko. Binabastos ka kaya don.” He said.

“Kaya ko naman ang sarili ko." Mataray kong sabi.

“Kaya pala wala kang nagawa noong hinatak ka niya?” Sarkastikong sabi nkya ulit.

Ano ba? Bakit ba ang sungit-sungit ng isang 'to?

“Naunahan mo lang akong suntukin siya.” Sabi ko at inirapan siya. 

Weh? Baka nga kung hindi ako dumating doon kung ano ng nangyari sa'yo.”

“Sus, asa ka naman! Kung hindi ka dumating, baka sa ospital na nagpahinga 'yong unggoy na 'yon dahil sa sapak ko sa kaniya,”

Napatigil ako sa matunog niyang pagtawa. Para 'yong musika na napaka-sarap sa tainga. Teka?! Nagagandahan ba ako sa tawa niya?!

Magt-thank you ka lang ang dami pang sinasabi?” Aniya habang nakataas pa ang kilay.

Napairap na lang akong muli sa kaniya.

“Fine. Thank you!” Barumbadong tugon ko.

“Welcome ha? Napaka-sincere naman ng pasasalamat mo, labas sa ilong.” Sarkastiko niyang sumbat na para bang obligasyon kong pasalamatan siya.

Pero dapat naman talaga akong magpasalamat 'diba? Pero paano naman?!

Aha!

Bahala ka nga d'yan. Gamutin mong mag-isa 'yang sugat mo, tse!” Sabi ko at lumabas ako ng opisina niya.

Sana naman masiyahan na siya sa gagawin ko, dahil kapag hindi, sasalaksakin ko na lang siya ng ballpen sa lalamunan.

Pinuntahan ko si Iselle sa office niya.

“Hi, Iselle!” I greeted her with a smile.

Parang na-shock pa siya na nandito ako at binati ko siya.

Uy! Anong ginagawa mo dito?” Nakangiting tanong niya.

“I'm here to ask you something...” Prangka kong sabi.

“Okay. Go ahead.” Nakangiti pa ring aniya.

“Uhhh, sabi mo sa akin childhood friends kayo ni Mr. La Cervantes 'diba?” Sabi ko at tumango-tango naman siya.

“Oo, bakit mo naman natanong 'yan bigla?”

“Do you know his favorite food?” Diretsong tanong ko at nginisihan niya ako.

“Oo naman,” She answered.

“C-Can you tell me?”

Wtf?! Bakit ako nautal? Nahiya ba ako? Pero ang hiya ko ay parang jowa ko. May jowa ba ako? Wala!!

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now