Chapter 6

22 7 7
                                    

Yza's POV

“OH MY GOSH! What happened to you?” Gulat na tanong ni Yvea.

Lumapit siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“Mukhang pugad ng ibon 'yang buhok mo sister! Sira rin ang takong ng sapatos mo, 'yang make up mo hulas na. Mukha kang basahan!” Pangre-realtalk niya.

“Lumayo ka sa akin, Yvea. Baka hindi kita matantsya at masampal kita,” Sabi ko at ibinagsak ang sariling katawan sa sofa.

Tumabi siya sa akin at inabutan ako ng tubig. Umupo ulit ako at ininom 'yon. Para akong sampung taong hindi naka-inom ng tubig. Tuloy-tuloy ang pag-lagok ko hanggang sa maubos 'yon pero nauuhaw pa riin ako.

“Isa pa,” Request ko at agad naman siyang pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

Pagbalik niya ay may isang pitsel na siyang dala. Nagsalin siya sa baso at inabot sa akin. Ininom ko ulit 'yon.

“Hindi ba uso ang tubig sa Korea? Parang hindi ka nakakainom ng tubig doon ah? Uhaw na uhaw?” Pagpuna niya.

Nang mawala ang uhaw ko ay huminga ako ng malalim.

*Inhale* *Exhale*

“Baho ah?” Ani ni Yvea at humawi sa hangin.

Tiningnan ko siya ng isang matalim na tingin at agad naman siyang ngumiti sabay nag-peace sign. 

“I'll go upstairs and take a rest. Please lang 'wag n'yo akong aabalahin, baka maka-sampal ako ng tao ng 'di oras,” Sabi ko at tumayo. Dire-diretso akong umakyat ako ng hagdan.

Naririnig ko lang tinatawag ako ni Yvea pero hindi na ako nag-abalang lingunin siya.

Pagod na pagod na talaga ang katawang lupa ko at parang anumang oras ay babagsak na ako.

Tamad na tamad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Kahit pag-pihit sa doorknob ay hirap na hirap akong gawin dahil pagod na natamo ko kanina. Bumabagsak na rin ang talukap ng mata ko, inaantok na ako! Kulang na lang ay gumapang ako papunta sa kama.

Nang marating ko ang kama ko ay naupo ako doon at tinanggal ang sapatos ko. Habang ginagawa ko 'yon ay natanaw ko ang sarili ko sa malaking salamin.

Agad na kumulo ang dugo ko at nagsalubong ang magaganda kong kilay dahil sa nakita ko.

MUKHA NGA AKONG BASAHAN!

Yung buhok ko ang gulo-gulo, para akong nakipag-sabunutan sa sampung tao. Yung damit ko lukot-lukot, at yung heels ko! Sirang-sira na! Naka-nganga pa yung harapan!

Jusmiyo! Hindi ako nagpatayo ng pitong coffee shop sa Korea para lang mag-mukhang basahan dito.

Kahit pagod na pagod ako ay nag-shower pa rin ako dahil hindi ako sanay ng mukhang basahang ganito.

Pagkatapos kong mag-shower ay nagpatuyo ako ng buhok bago ako humiga sa kama ko.

Parang ang haba-haba ng araw na ito. Pumasok ako ng mukhang tao tapos pag-uwi mukha na akong basahan?

Lalong nag-init ang ulo ko at tumaas ang presyon ko ng maalala ang pangyayari kanina.

~Flashback~

~Ring ring!~

Kinapa ko ang nagri-ring kong cellphone sa side table ng hindi idinidilat ang mata ko. Nang makuha ko ito ay inaantok kong iminulat ang isang mata ko.

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now