Chapter 3

29 7 11
                                    

Yza's POV

Tatlong araw ang nakalipas, bwisit na bwisit ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin.

Paano ba naman kasi, kung ano-ano ang pinapa-suot sa akin ni Yvea.

"Kailangan pa ba 'to? Wala naman to sa usapan natin ah?" Iritang tanong ko.

Naka-lampas tuhod ako na dress with light pink na blazer. Pina-suot niya rin sa akin yung salamin ko at itinali ang buhok ko. Naka-flat shoes din ako. Nag-mukha akong nerd!

"Malamang! Disguised nga eh, boba!" Mataray niyang sabi at inirapan ako.

"Kung alam ko lang na may ganito palang magaganap sana hindi na lang ako umuwi" Bulong ko pero mukhang narinig rin niya dahil binatukan niya ako.

"Pinapa-alala ko lang sa'yo, Yza, hindi ka na puwedeng umatras dito! Ikaw na lang ang natitirang pag-asa ng kumpanya, at subukan mo lang talagang umatras, aahitin ko talaga 'yang kilay mo!" Banta niya sa akin.

Napahawak ako bigla sa maganda kong kilay!

Inayos pa nyia ang ilang hibla ng buhok ko tapos ay ngumiti siya.

"Naks naman! Bagay pala say6o ang ganiyang style eh!" Sabi niya at agad ko naman siyang nginiwian.

"Compliment ba 'yan o nang-aasar ka lang?" Sarkastikong tanong ko.

"Syempre naman compliment 'yon noh! Baka mamaya mag-back out ka pa eh" She said.

Biglang bumukas ang pintuan kaya napa-tingin kami doon.

"Are you guys done?" Tanong ni Daddy.

"Yes, Tito!"

After ng ilang minutes naming pag-uusap ay umalis na kami ni Yvea para pumunta sa La Cervantes Building.

Oo, ngayon na ang araw kung kailan ako mag-aapply. Ang bilis 'diba?

Mas mabilis maubos pasensya ko.

Habang nasa sasakyan ay kung ano-ano ang sinasabi niya.

"Yza, remember that you're doing this not just for the company but also for Tita Queenie. Isang chance lang ang mayroon tayo para mabawi ang designs, at kapag 'yon nawala pa, ay wala na talaga!" Sabi with hand gestures pa. Mukha nga suyang tanga eh.

Ako naman, tumatango lang para matapos na 'tong kaka-dikta niya.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami. And for the last time, dumakdak na naman siya.

"Promise me, Yza, you'll be nice to him!"

"I'll try my best." I said.

"You'll try your best to be nice to him kahit may attitude siya?" Paninigurado niya.

"Oh, I can't assure you that. You know me, Yvea, mahikli lang rin ang pasensya ko." Sabi ko at napasalo naman siya sa kaniyang noo. Problemadong-problemado. "Pero susubukan ko pa rin." Dagdag ko at parang nag-twinkle naman ang mga mata niya.

She handed me some folders, binuklat ko 'yon.

"Yzabelle Mendez?" Pagbabasa ko sa pangalang naka-sulat doon. Nagtatakha akong tumingin kay Yvea.

Monteserjo ang apilyedo ko ah?

"Mendez ang inilagay kong apilyedo mo, syempre, disguised nga eh! Kapag 'yang real surname mo ang inilagay ko, edi nabuko ka agad. Matalinong masyado si La Cervantes, paniguradong kaunting maling galaw mo lang, mabubuko ka non kaagad. Kaya mag-ingat ka sa kaniya, Yza." Paliwanag niya na may kasamang advice.

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now