Chapter 9

20 5 7
                                    


Gil's POV

Gusto kong tumawa ng malakas at pumalakpak sabay abot sa kapatid ko ng 'Best in Marupok Award.'

Kitang-kita ko kung papaano siya nagulat dahil sa nakita niya, well mukhang hindi lang gulat.

Anyway, she is Aiah Georgina, my big sis but acting like my little sister. Mas matured pa nga yatang mag-isip ang 7 years old sa kaniya, tsk. Sobrang daldal din ng isang 'to, yung tipong kahit hindi mo naman gustong malaman sasabihin pa din niya. Hindi siya nauubusan ng sasabihin.

Nakatayo siya habang nakatingin sa harapan, ay hindi! More on sa kumakanta lang pala.

“Hoy! Hindi ka ba nangangawit?” Tanong ko at doon pa lang siya natauhan.

Binigyan niya ako ng isang matalim ng tingin, at kung nakakahiwa lang ang tingin kanina pa ako nahati sa walo. Inirapan niya ako at hinarap si Iselle.

Nakipag-chikahan siya ng kaunti bago lumapit sa akin at umupo sa katabing upuan ko.

Tiningnan ko ang lahat ng tao sa table namin at lahat sila ay nakatingin kay Aiah. Mukhang nagtatakha kung sino ang oa na katabi ko.

“Hey boo! Bakit hindi mo sinasagot ang text messages ko sa'yo?” Mataray niyang tanong sa akin, hindi iniisip na may kasamahan kami sa mesang 'to.

I sighed and looked at her.

“I forgot my password.”  Bored kong sagot at sakto namang tumingin kay Yzabelle na nasamid.

Kahit na ako ay nagtatakha kung bakit biglang nagkaroon ng password ang cellphone ko. Ang natatandaan ko ay hindi ko pa nalalagyan 'yon dahil kakabili ko pa lang. Wala pa namang ibang nakakahawak non kung hindi si... Yzabelle.

*****

Yza's POV 

“Hey boo! Bakit hindi mo sinasagot ang text messages ko sa'yo?

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko, paano siya makakasagot eh nilagyan ko ng password ang cellphone niya? Tuloy-tuloy na pagdubo ang ginawa ko para kunwari ay wala akong alam sa nangyari sa cellphone niya.

“I forgot my password,” Bigla akong nasamid kaya agad akong inabutan ng tubig ni Iselle.

Shet! Baka nalaman niyang ako ang nag-lagay ng password sa cellphone niya dahil tumingin siya sa akin.

“Dahan-dahan naman sa pagkain Ms. Yzabelle, baka mamaya mabulunan ka.” Sabi ni Iselle habang hinihimas ang likod ko.

“Are you okay, Miss?” Tinig 'yon ng babaeng katabi niya kaya nagtaas ako ng tingin.

Feeling close.

Tumango-tango ako at ngumiti naman siya.

“Boo, hindi mo ba ako ipapakilala sa kanila?” Sabi nito at siniko pa ang walanghiya.

Ngumiwi at umirap naman ang habagat.

“Matanda ka na, kaya mo na 'yan.” Sabi niya at tumayo. “Excuse me,” Paalam niya at tinahak ang direksyon papunta sa impyerno—I mean sa CR pala.

Wag ka na babalik fleez.

“That jerk.” Ani ng babae bago nag-balik ng tingin sa aming lahat at ngumiti. “Anyway, let me introduce myself. I'm Aiah Georgina La Cervantes.” Pagpapakilala niya.

La Cervantes? Ibig sabihin magkapatid sila? Parang hindi naman halata?

“I'm your idiot boss' older pretty sister.” Dagdag niya with flipped hair and smile.

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now