Chapter 10

25 5 7
                                    

Yza's POV

One week has passed, pero hindi ko pa rin alam kung saan nakalagay ang laptop. Nitong mga nakaraang araw ay minamanman ko 'yon pero mukhang itinago sa kasuluk-sulukang kadiliman ng walanghiya.

Habang paikot-ikot lang ako dito sa swivel chair ko ay bigla nag-vibrate ang cellphone ko.

And to my surprise, it's from Aiah.

From: Sisteret ng Ungas

Hi friend! Are u busy?

Kinuha niya ang number ko para raw if ever na kailangan ko ng kausap, i-text ko lang daw siya. At ngayon, mukhang siya ang may kailangan sa akin.

These past few days mas naging close kaming dalawa. I don't know why? Ang arte-arte niya, at ayoko ng maarte. Pero comfortable ako whenever I'm with her. Matured na siya mag-isip, marami siyang alam sa mga bagay-bagay. Matalino, mabait, maganda rin. She's perfect, maarte lang. Nasa lahi na yata talaga nila ang pagiging maarte.

I typed my reply.

To: Sisteret ng Ungas

Not really.

Wala pang ilang segundo ay nakapag-rely na siya. Wow, ang bilis ah!

From: Sisteret ng Ungas

Nice! I will sundo u.

At madalas niya rin akong yayain na mag-lunch or dinner. Feeling close siya.

To: Sisteret ng Ungas

Work pa me.

At saka nga pala, nitong mga nakaraang araw may napansin ako sa kaniya. Kapag kaming dalawa ang magkasama, wala siyang ibang bukang-bibig kung hindi ang first love niya. Noong itanong ko naman kung sino ang first love niya ay nag-iba siya ng topic.

From: Sisteret ng Ungas

Idc. Basta i will sundo u. U can't tanggi. I'm the sister of your boss, u can't do anything about that ;)

Mukhang wala rin naman akong choice, kaya sabi ko na lang sa kanjya ay siya ang bahala. Basta kapag pinagalitan ako ng unggoy na si Gil ay siya ang sisisihin ko.

Ilang sandali pa ang nakalipas at may maarte ng kumakatok sa pintuan ng office ko.

"Hi frienddd!" Bati niya sa akin at maarteng lumakad papalapit sa akin.

"Ano na namang trip mo sa buhay?" I asked habang inaayos ang mga gamit ko.

Umupo siya sa couch na nandoon at malalim na bumuntong hininga kaya napatingin ako sa kaniya.

She smiled at me. But even if she smiled at me, I know she's not okay. I saw how sad her eyes is.

Sadgirl.

Nasa plano ko ang asarin siya, pero mukhang malungkot ang gaga kaya cancelled muna. Tinapos ko ang pag-aayos ng bag ko at niyaya na siyang umalis.

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now