Chapter 36

51.6K 1.2K 63
                                    

"WILL YOU fucking shut up!"

Mula sa pagkakatitig sa laptop ay hindi maiwasang singhalan at tignan ng masama ni Kronack ang babae na dinakip nila. Ang huling tao na tumulong sa baliw na 'yon.

Kanina pa siya naiinis dito dahil walang tigil itong umuungol at nagwawala sa upuan nito habang nakagapos at nakabusal ang bibig.

They are now in his chopper traveling back to Crown Island. Katabi niya si Pyr, na himalang nakatulog sa kabila ng ingay na ginagawa ng babae. Kaharap niya naman ang babae at katabi naman nito si Ruckus na kanina pa walang imik.

Si Lust naman ay siyang piloto ng chopper.

"Mmmack hhyu!" Ungol ulit nito at binigyan siya ng nakamamatay na tingin.

Pasalamat 'tong babae na 'to hindi siya nanakit ng babae. Hindi siya katulad ng kambal niya. Kung lalaki lang 'to kanina pa ito walang malay dahil sa sapak.

Ibinaling nito ang masamang tingin sa kapatid niya na tahimik lang habang nakatingin sa labas.

"Hmmm! Hhmmm!" Agaw nito sa atensyon ng kapatid niya.

Nilingon ito ni Ruckus habang nakakunot ang noo.

The woman moved, motioning for her muzzle to be removed.

Marahas na nagbuga ng hangin ang kambal niya bago ito tumayo at humarap sa babae. Kinalas nito ang pagkakatali ng panyong nakabusal sa bibig ng babae bago ulit bumalik sa pagkakaupo.

"Thanks." Saglit na natigilan silang dalawa ni Ruckus nang magpasalamat ito. "That's a fucking annoying piece of shit." Inis nitong saad saka isinandal ang ulo sa headrest at ipinikit ang mga mata.

Aakalain mong normal lang ang lahat base sa inaakto ng babae. Parang wala lang dito na nakagapos ito. Matapos tanggalin ng kapatid niya ang busal nito sa bibig ay nanahimik na ito.

Kronack sighed. Finally silence!

Ibinalik niya ang atensyon sa laptop niya at tahimik na pinapanood ang mukha ng babaeng mahal niya.

He installed surveillance cameras inside Kalisz's hospital room to monitor her at all times, no matter where he was. One camera was placed in the far right corner of the room and the other in the left. These cameras allowed him to zoom in and out, giving him a clear and detailed view of Kalisz whenever he wanted.

Mahimbing itong natutulog. Meron parin itong benda sa ulo at pasa sa magkabilang pisngi.

Kronack couldn't help but clench his jaw every time he looked at Kalisz's bruised cheeks. The once delicate skin had turned a deep shade of blue and dark purple, swollen and painful to look at. Yet, despite the bruises, Kalisz's beauty still shone through, undiminished.

I love you, sweet babe. I miss you so much. Kronack silently said.

It was a strange and desperate wish, but at that moment, it was all he had. Gusto niyang managinip ito at malaman nitong mahal na mahal niya ito at miss na miss na niya ito.

Limang araw na itong walang malay pero parang maraming linggo na ang lumipas.

Tang'na! Gising na babe. Miss na kita.

Malalim siyang humugot ng hininga at i-zinoom out ang kamera. Nakita niyang nakabalik na si Auri at kasama nito si Prius at Rage.

Agad niyang inabot ang cellphone niya at tinawagan si Auri.

"Have the doctors come to check on Kalisz?" Agad na tanong niya sa dalaga nang sinagot nito ang tawag.

Nakita niya ang pagtango ni Auri na para bang kaharap siya nito.

Kronack CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon