PINAGMASDAN ni Kalisz ang mukha sa salamin.
She was angry at herself for acting so weird and jumpy, but she couldn’t shake the feeling of dread she’d experienced earlier when they were walking. She had a keen sense of when someone was watching her intently; it always made the hair on the back of her neck stand up and her skin grows warmer.
Hindi niya tuloy maiwasan na maalala ang ginawa sa kanya nung lalaking pinagkakautangan ng ama niya. Ganon kasi ang naramdaman niya ng unang tumingin sa kanya ang baliw na 'yon.
Ipinilig ni Kalisz ang ulo para kalimutan ang alaala ng lalaking iyon. Inayos niya na ang buhok niya at hindi maiwasan na mapangiti nang makita ang mga kiss mark na iniwan sa kanya ni Kronack.
When she was done, she stepped out of the comfort room.
Tahimik siyang naglalakad sa pasilyo ng may biglang humawak sa braso niya na muntikan niya ng ikatili.
Napabuga siya ng hininga nang makitang janitor lang pala.
Fudge!
"Sorry, ma'am. Nabigla ata kita." Paumanhin nito at binitiwan siya habang namamanghang nakatingin sa mga mata niya.
Hindi na kasi siya nagsusuot nang salamin o contact lens kaya alam niya na namamangha ito sa mata niyang magkaiba ang kulay.
"May kailangan ka?" tanong niya habang kunot ang noo na nakatingin dito.
"Ah eh." Nagkamot ito ng ulo at may inabot sa kanya. "May nagpapabigay ma'am."
Tinitigan niya ang hawak nitong maliit na puting sobre.
"Kanino?" Kalisz asked, doubtful while shifting her glances from the envelope and back to the man.
Nagkamot ito ng noo tapos ay tumingin sa isang mesa na bakante pero mukhang may customer na uukopa doon dahil sa nakalapag na pagkain.
"Yung isang customer kanina. Diyan nakaupo." Turo nito sa bakanteng mesa. "Umalis lang ata sandali."
Kalisz nodded. "Ganoon ba." Inabot niya ang envelop at nagpasalamat dito bago ito iniwan.
Kalisz stopped at the empty table with untouched food on it. But her heartbeat leaped when she saw the food that was served on the table.
Hindi niya makakalimutan ang pagkain na naroon dahil ang pagkain na nasa mesa ay pareho sa pagkain na laging inihahanda sa kanya noong nasa lugar pa siya ng lalaking nagbigay sa kanya ng trauma.
Sa tatlong araw na pananatili niya sa bahay ng baliw na 'yon ay laging ang pagkain sa mesa ang paulit-ulit na pinapakin sa kanya.
Pilit na kinalma ni Kalisz ang sarili sa kabila ng takot at hilo na nararamdaman dahil sa pag-igsi ng hininga niya. But with nervousness and dread eating away at her, and her heartbeat racing, she couldn’t hold on any longer.
Narinig niya pa ang ilang ulit na pagtawag ni Kronack sa pangalan niya at sigaw ng mga kaibigan nito bago siya nawalan ng malay.
NAPAUNGOL si Kalisz nang magising siya. Nananakit ang sintido niya at nauuhaw siya. Medyo masama rin ang pakiramdam niya.
Kalisz roamed her eyes around the room.
It's Kronack's room.
Wala sa sariling tumayo siya at tinungo ang pinto palabas.
Nauuhaw siya.
Napapikit siya dahil sa liwanag ng ilaw ng sumalubong sa kanya nang buksan niya ang pinto. Hindi kasi siya nagbukas ng ilaw sa silid ni Kronack dahil sa nakikita niya naman ang paligid sa tulong ng ilaw na galing sa labas.
BINABASA MO ANG
Kronack Crown
RomanceMen Of The Crown 1 | R-18 • Mature | COMPLETED Kronack has a good heart not palpable to anyone that isn't close to him. Neither does he think he has, but that's what his friends thought about him. So when a friend asks him to let a woman stay at his...