Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 7

83.1K 1.8K 198
                                        

"WHAT THE fuck..." mahinang mura ni Kronack ng mag-sink in sa kanya ang sinabi ni Kalisz.

It's love. What does she even mean?

And why the fuck he's feeling angry all of a sudden?

"Kung sino man ang Vegas na 'yon, magtago na siya," tumatawang saad ni Cyclone.

"Shut up, asshole!" sabay nilang angil ni Rage.

Tumawa lang ang gago at sumali pa ang iba niyang kaibigan.

Palayasin ko kaya ang mga gagong 'to?

Inis na iniwan nilang magkapatid sa sala ang lima at umakyat ng hagdan para tumungo sa opisina niya.

"Where is Lust?" Rage asked after making himself comfortable on the chair in front of his desk.

"Russia," tipid niyang sagot habang nagsasalin ng alak sa dalawang baso. "What do you want, Rage?" Kronack asked before settling on his swivel chair.

Rage sighed. "I'm going somewhere. I just want to tell you to take care of Auri."

"Saan ka na naman pupunta?"

Napatiim-bagang ito. "I have to see my sister's father."

Napaayos siya ng upo nang marinig 'yon. Rage has been looking for that man for so many years now.

"When did you find him?" he asked curiously.

Rage drank his glass of whiskey before answering him. "Two days ago."

"And?"

"I'm going to see him. He is now living in Seattle with his third wife." Tumitig ito sa alak na nasa baso nito. "But it looks like they don't live with my sister. Kaya kailangan ko siyang makausap para itanong kung nasaan na ito."

Kronack nodded in understanding, hoping Rage would soon find his sister. It has been more than a decade since his brother started looking for her.

"Okay, don't worry. I'll take care of Auri and you know her brother is here too," aniya sa kapatid.

"Thanks." Inilapag ni Rage sa mesa ang baso. "I also instructed two men to guard her but I will be more at peace if I know you're also taking care of her," saad nito.

"I understand."

"How long have you known Auri's friend, Kalisz?" maya-maya ay tanong nito.

Napakunot ang noo ni Kronack at inalala kung kailan ba dumating ang babae sa bahay niya.

"Four, five days. Probably," Kronack replied. "Why?" he asked while tapping his fingers on his desk.

"Nothing." Rage shrugged nonchalantly.

Hindi na siya nagsalita at tumango lang.

"Do you like her?" Rage asked out of nowhere after a while of silence.

Napailing siya at napangiti. "Why do you ask?"

"Because you were jealous," pahayag nito sa tiyak na tono.

"Jealous? What does it even mean?" Kronack tsked as he shook his head.

Jealous? That's a foreign word to him. He didn't even know how it felt. He was just irritated a few moments ago. It was far from jealousy. Tsk.

Then he remembered what Kalisz told him a few moments ago.

It's love...

Nagtagis ang panga niya nang um-echo sa isipan niya ang sinabi ng dalaga kanina.

Kronack CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon