Chapter 11

64.3K 1.7K 308
                                    

GUSTONG SAPAKIN ni Kronack ang screen ng laptop niya nang makitang sumama si Kalisz kay Rage.

Kanina pa niya pinapanood ang dalawa na nag-uusap sa harapan ng pinto ng silid ni Kalisz. Wala siyang marinig sa pinag-uusapan ng mga ito dahil walang audio recorder ang CCTV na nasa korihidor.

He just woke up when a notification popped up on his computer notifying him that a person was in front of Kalisz's room. Akala niya si manang lang pero ang kapatid niya pala.

"Fuck you, Rage!" Nanggigil sa inis na bulong niya sa sarili.

He was clenching and unclenching his jaw from annoyance. Mainit ang ulo niya ilang araw na, dinagdagan pa ng gago niyang kapatid. Rage better return his sweet babe without a scratch or he'll regret ever talking to her.

"Fuck! Fuck!" Mura niya sa inis.

Tumayo siya at kumuha ng isang stick ng sigarilyo at lumabas ng silid. He needs to puff a cigarette to calm himself. Baka masira niya pa ang laptop niya na naglalaman ng mahahalagang software at data.

Kronack went to the bar on the same floor as his room.

Nakita niya si Prius na abala sa pagshi-shake ng kung ano sa likod ng bar counter.

"Morning bud!" Bati nito.

Hindi niya 'to pinansin at ipinatong ang siko sa bar counter at sinindihan ang sigarilyo na nasa labi niya bago tumingin sa TV na naka on sa sala.

Pero gusto niya na lang kumuha ng bote ng alak at batuhin ang TV ng makita kung ano na naman pinapanood ni Prius.

As usual, it's Garfield, the annoying orange lazy fat cat. Prius's favorite entertainment aside from cooking.

Ngunit wala doon ang atensyon niya kundi nasa babaeng sumama sa kapatid niya. Naiinis siya na lumabas ito at iba ang kasama at hindi siya. Kahit alam niyang lubog na lubog ang kapatid niya kay Auri hindi niya pa rin maiwasang mainis.

"Irish Coffee for your sour mood."

Inilapag ni Prius ang isang baso ng Irish coffee sa gilid niya at nagsalin ng parehong inumin sa sarili nitong baso.

"Thanks." Tipid niyang saad dito.

Prius only hummed in response.

Maya maya pa ay nakita niya ang pagbaba ng hagdan ng kambal niya. Mukhang kagigising lang nito dahil sa gulo ng buhok nito.

"That's very healthy twinie, a cigar and a whiskey for breakfast." Napapalatak na anito ng makaupo sa tabi niya.

Kronack just shrugged his shoulder. Wala siya sa mood magsalita lalo na't naiinis pa rin siya sa kakambal niya. Kung hindi dahil dito nasa Pilipinas sana siya.

But what can he do? Even if his twin is an arse, he can't just sit knowing his brother just took a plunge into an enemy's den.

Napailing ang kakambal niya at bumaling kay Prius. "Bud, Irish Coffee please, without whiskey."

"I'll do it." Prisenta ng kadarating lang na si Kaiser.

"Sure," Ruckus told him.

Bumalik ang atensyon ng kapatid niya sa kanya, habang si Kaiser at Prius naman ay nag-uusap sa likod ng bar counter.

"You okay, twinie?" Ruckus asked.

Bumuntong-hininga siya bago pinatay ang sigarilyo sa ashtray na nasa tabi. "Yeah, just stressed and I want to go back to the Philippines already."

"Why hurry?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito.

"Just because." Walang gana niyang sagot dito at tinikman ang inumin na binigay ni Prius.

Kronack CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon