Chapter 21

56.9K 1.5K 63
                                    

HINDI MAPIGILAN ni Kalisz mapangiti kapag naaalala niya ang mga biro ni Kronack sa kanya ilang gabi na ang nakakalipas.

She was now in his room, busy with her work. From time to time, she would stop and find herself smiling. Namimiss niya na tuloy ito.

Wala si Kronack at ang mga kaibigan nito.

Nagising siya kahapon na wala ang binata pero nag-iwan naman ito ng note na kinailangan nitong umalis ng maaga dahil sa trabaho. Tapos tumawag naman ito no'ng hapon na hindi ito makakauwi.

Hindi siya nagtanong sa binata kung bakit. Sapat na sa kanya na nag-abala itong ipaalam sa kanya na hindi ito makakauwi. Ilang beses din itong tumawag at nagpadala ng mensahe para ipaalala na kumain siya. Lalo tuloy lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata dahil sa ginagawa nito.

But still, she can't stop worrying. Hindi pa siya handa na ikuwento kay Kronack ang nakaraan niya. Natatakot siya.

Paano kung sa pag-uwi nito magtanong ito? Hindi niya pa kaya. Nahihiya siya't natatakot pagnalaman nito ang nakaraan niya ay ikahiya siya nito at iwan.

She's not yet ready to be left alone again. She still wants to spend time with him. May isa pang bagay ang hindi niya pa nasasabi dito.

Ugh!

Bumuntong-hininga siya. Maybe she should prepare herself for that moment right now.

Yeah... I should... Kalisz thought. Wala ang binata, dapat lang na gamitin niya ang oras na 'to para ihanda ang sarili.

Sa isiping iyon ay isinara niya ang laptop. Tapos inilibot niya ang tingin sa kuwarto nito. Wala siyang makitang naka display na larawan doon. Maliban sa isang picture frame ng magulang nito.

Lumabas siya ng silid ng binata. Balak niyang pumunta sa sala para tingnan ang mga naka display na mga litrato sa baba kung meron siyang makikita na kahit isang larawan na ang binata lang ang naroon.

"Oh iha, lumabas ka ba para kumain?"

Lumingon siya kay manang Lor na kalalabas lang sa isang silid na katabi ng silid ni Kronack.

"Ah hindi po." Sagot niya na may kasamang pag-iling.

Tumango-tango ito. "Ganoon ba. Siya, tawagin mo na lang ako o ang ibang kasambahay kung gusto mong kumain." Kapagkuwan ay ngumiti ito. "Alam mo naman si Kronack magagalit na naman 'yon pag hindi ka kumain."

Tipid siyang ngumiti kay manang at tumango. Napatingin siya sa silid na nilabasan nito.

"Ano po ang silid na 'yan?" Usisa niya.

"Library at office ni Kronack. Kung gusto mo pwede kang pumasok, maraming libro sa loob kung mahilig ka magbasa," imporma nito.

Kalisz smiled. "Ganoon po ba, salamat."

Nagpaalam na si manang at siya naman ay tinungo ang library na opisina din Kronack. Baka doon may makita siyang larawan ng binata.

Tuwang-tuwa siya habang nakaupo sa sofa na nasa opisina ni Kronack. May nakita siyang album sa ilalim ng coffee table, ngayon ay iyon ang pinagkaka-abalahan niyang tingnan.

Kalisz saw more photos of Kronack's brothers and his parents. At isa lang ang masasabi niya, gwapo ang magkakapatid. Pero syempre pinaka gwapo para sa kanya si Kronack. Nakita niya rin ang ibang larawan ni Kronack kasama sina Grant at Dusk.

But what shocked her was finding out that Kronack had a twin brother. They look alike but Kronack's twin looks rough and unapproachable. Kronack on the other hand looks gentler.

Kinuha ni Kalisz ang isang litrato ni Kronack na mag-isa lang ito. Sobrang gwapo nito habang nakatingin sa kamera at nakangisi.

Oh... my naughty cuddlebear...

Kronack CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon