Chapter 1

12.7K 244 13
                                    

CHAPTER 1

CALISTA'S POV

"BHE PINAPASABI ni boss maaga raw tayo mag off." Dinig kong sabi ng kaibigan kong si Clarisse.

"bakit daw?" nakakapanibago lang kasi palagi naman mga 9 pm ang off namin.

"Aba malay ko, 'yun lang ang sabi eh," ngumiti nalang ito na parang aso "Mas okay na 'yon para naman makapag relax tayo, let's go to the mall."

I chuckled, "Papayag ako pag libre mo."

She sighed, "Oo na. Ako naman talaga palaging nang lilibre sa'tin, 'di na nakakapagtaka kung bakit wala kang partner," sinamaan ko siya ng tingin dahil sa huli nyang sinabi, "oh.. ano? galet? eh aba totoo naman, kawawa boylet mo niyan dahil palagi ka nalang nag papalibre." Inirapan ko siya kaya siya na ngayon ang tumatawa.

'Yon kasi ang rason nu'ng hinayupak kong ex.. Eh kasalanan ko bang wala akong pera? Hindi sa walang wala talaga ako, nag iipon lang ako para sa future sana namin.

"Edi mag aasawa ako ng bilyonaryo!" ganti ko sakaniya ngunit tinawanan lang ako nito.

Madali lang talaga akong mapikon, tamo tatama 'tong kamao ko sakaniya pag 'di 'to titigil.

Apat kaming mag kakaibigan 'yung dalawa ay iba ang trabaho, kami lang talaga ni Clarisse ang mag ka pareho, ewan ko ba bakit naging kaibigan ko 'tong isang to.

Nag liligpit na ako para makauwi na kami at ganu'n din ang ginawa ni Clarrise. It's been a month since nu'ng nalasing ako sa isang bar, hindi ko alam ang nangyari, nagising lang ako na nasa harapan ako nang pinto nang condo ko dahil ginising ako nu'ng guard. Pilit kong inaalala ang nangyari pero hindi talaga, ganun talaga ako kapag nalasing, wala ng maalala.

Nagising lang din ako at masakit 'yong pagkababae ko at syempre hindi naman ako pinanganak kahapon para 'di malaman kung bakit masakit ang pagkababae ko. Akala ko nga buntis ako dahil hindi ako dinadatnan pero 'yon pala na late lang kaya ayon tuloy pati sarili ko pinagkakainisan ko.

Hindi ko rin maalala ang lalaking nakasama ko nu'n, basta ewan walang wala. I'm freaking clueless.






BUMILI lang ako ng libro at sarili ko ng pera ang ginamit ko dahil baka kung ano na naman ang sasabihin nitong magaling kong kaibigan pero syempre siya ang nag bayad sa pagkaing kinain namin.

Kanina pa siya nakaalis dahil sinundo na siya nang boyfriend niya.

edi siya na may jowa!

Gusto nga ni Clarisse na sumabay nalang daw ako sa kotse nu'ng boyfriend niya pero tumanggi ako dahil ayuko naman maging third wheel, kaya sinabi ko may dadaanan na muna ako kahit wala naman.

Hindi ako sumakay ng taxi dahil nag titipid ako, malapit lang naman din yung condo'ng tinutuluyan ko ngayon kaya okay lang mag lakad. Trip ko lang din mag lakad para pumayat ako, nu'ng nakaraang araw kasi ang dami ko ng kinakain.

Medyo madilim dilim na, alas otso na rin naman ng gabi. Ilaw ng poste nalang ang tanging ilaw na gumabay sa'kin, hindi naman masyadong delikado ang lugar kaya panatag ang loob ko.

Kapag ganto talaga 'di ko maiwasan mag isip isip.

Taray may isip.

Naalala ko na naman si Quackin, my ex boyfriend, alam kong hindi talaga 'yon ang rason niya na nalulugi daw siya dahil sa palagi akong nag papalibre, mayaman naman sila eh, pero hindi ako gold digger. Sineseryuso niya kasi 'yung mga joke ko kaya ayon siya din ang lugi, minahal ko ang bwesit na iyon.

 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon